Ama, isang buwang pinag-ipunan ang hiling na T-shirt ng kanyang anak

Ama, isang buwang pinag-ipunan ang hiling na T-shirt ng kanyang anak

- Nag-viral ang post ng isang clothing shop tungkol sa mag-amang bumili ng t-shirt sa kanila

- Nalaman nilang isang buwang pinag-ipunan ng ama ang t-shirt na hiling ng anak

- Kinulang pa rin umano ng dalang pera ang ama kaya binigay ng lang ng shop ang t-shirt sa mas murang halaga

- Napansin din ng may-ari ng shop ang saya ng mag-ama lalo na ng anak na sobrang saya nang makuha ang bagong t-shirt

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post tungkol sa ama na isang buwan umanong pinag-ipunan ang pambili ng t-shirt na gustong-gusto ng kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na sa binahagi mismo ng clothing shop na "Bihis Calle" ang nakakaantig ng puso na kwento ng mag-amang bumili sa kanilang shop.

Ayon sa kanilang post, kinulang pa umano ng pambayad ang ama kahit pinag-ipunan na nito ang pambili ng nagustuhang t-shirt ng anak kaya naman binigyan na lang ito ng discount.

Read also

Nasal Mask ng isang Mexican scientist, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko

Ama, isang buwang pinag-ipunan ang hiling na T-shirt ng kanyang anak
Si Tatay Franco at ang kanyang anak Photo from BIHIS CALLE
Source: Facebook

Ilang araw na raw na pasilip-silip sa shop ang ama at nalaman nilang nag-iipon pala ito ng pambili.

"Bigyan natin discount yung masipag na tatay, mabili lang ang gusto ng kanyang anak," ang bahagi ng post.

Pinayuhan din ng shop na dapat na magpakabait ang bata dahil sa nagsusumikap talaga ang ama para sa kanya.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa may-ari ng "Bihis Calle" na si Remie Mark Baon, nakilala nila ang customer na si Tatay Franco Emperado.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Lalo raw siyang naantig sa mag-ama nang makitang pareho itong masaya lalo na ang anak na nakuha ang pinapangarap na damit.

Nalaman din nilang paghahatid ng pahayagan ang ikinabubuhay ni Tatay Franco. Katuwang niya sana ang misis sa paghahanapbuhay subalit sakitin ang kanilang 12-anyos na anak kaya naman inaalagaan na lamang niya ito.

Read also

OFW sa Kuwait, humingi na ng saklolo sa tindi ng sinapit niya sa kanyang amo

Ayon naman kay Tatay Franco, talagang nagsusumikap pa rin siya sa kabila ng pandemya dahil bukod sa kailangan niyang buhayin ang pamilya nais pa rin niyang pasayahin ang mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang noong nakaraang taon, nag-viral din ang isang ama na inipon ang kanyang mga barya, mabilhan lamang ang anak ng smartphone.

Magsisimula pa lamang noon ang school year 2021-2022 kung saan isa ang online learning sa mga modalities ng pagkatuto kaya naman talagang iginapang ng ama na mabilhan ang anak ng cellphone na magagamit nito para maipagpatuloy ng anak ang pag-aaral nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica