Ama, nag-ipon ng barya-barya maibili lang ng cellphone ang anak bilang graduation gift

Ama, nag-ipon ng barya-barya maibili lang ng cellphone ang anak bilang graduation gift

- Viral ang larawan ng isang ama na nagawang mag-ipon ng barya pambili ng cellphone ng kanyang anak

- Nagbiro pa umano ito na ilang bote ng alak daw ang hindi niya nainom makapag-ipon lang ng regalo sa anak

- Nagtapos kasi ito ng 2-year course kaya naman pinagbigyan niya ito sa matagal na nitong hinihiling na cellphone

- Dala ng pandemya, namamasada na muna ng tricycle ang ama na dating pahinante ng delivery trucks

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang makulit na post ng isang ama patungkol sa kanyang graduatoin gift sa anak na kanyang pinaghirapan.

Nalaman ng KAMI na nag-ipon ang amang si Edwin Bayson ng mga barya upang makabili ng hinihiling ng kanyang anak na cellphone.

Ayon sa Philippine Star, nagbiro pa umano ito na ilang bote ng alak ang pinigilan niyang mainom, makaipon lamang ng pang-regalo sa anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagtapos ng 2-year course ang kanyang anak na si Derwin subalit sa Oktubre na gagawin ang graduation rites dahil sa banta ng COVID-19.

Dati raw pahinante ng delivery truck si Tatay Edwin. Dahil sa pandemya, pansamantalang namamasada muna ito gamit ang tricycle upang mayroon pa ring pagkakitaan.

Marami ang humanga sa kabutihan ni Tatay Edwin na sa kabila ng mga problemang hindi inaasahan, nagagawa pa rin niyang i-surpresa ang kanyang mga anak dala ng pagmamahal niya sa mga ito.

Samantala, maging ang mga netizens ay naantig sa 'sweetness' na pinakita ng ama sa kanyang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Marami po talaga paraan Para maging mabuting ama sa mabuti rin pong paraan. Humugot ng inspirasyon sa mga katulad ni tatay hindi ung kailangan pang manloko o manira ng buhay ng tao mabigyan lang ng regalo ang anak"
"Nakakatuwa si tatay, todo effort para sa gift sa anak sana all"
"Kita sa mukha ni Tatay na excited siyang makabili ng regalo sa anak niya, super proud siguro ito"
"Malaking sakripisyo nga naman ang ginawa ng ama, tapos super happy pa siya na mabibigay niya ang hiling ng kanyang anak"
"Si Tatay pa ang tuwang-tuwa o, love na love niya ang kanyang anak"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel