Post ng award-winning writer tungkol sa "Tao po!", usap-usapan sa Twitter

Post ng award-winning writer tungkol sa "Tao po!", usap-usapan sa Twitter

- Naging usap-usapan sa Twitter ang post ng Palanca award-winning writer na si Jerry Gracio

- Ito ay tungkol sa kasabihan na ang "Tao po!" ay pahiwatig ng mga Pinoy na tao ang kumakatok at hindi kung ano lamang na elemento

- Marami ang naka-relate sa kanyang tweet at nagbahagi rin ang mga netizens ng kani-kanilang mga karanasan

- Madalas ang kanilang mga lolo at lola raw ang nagpapaalala sa kanila na huwag na huwag bubuksan ang pinto lalo na 'pag gabi nang walang nagsasalita ng 'Tao po!'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa Twitter ang nakaka-intrigang post ng Palanca award-winning writer na si Jerry Gracio tungkol sa dahilan kung bakit nagsasabi ng "Tao po!" ang mga Pinoy na kumakatok.

Nalaman ng KAMI na ang tweet ay ibinahagi ni Jerry noong Marso 23 at marami-raming netizens ang talaga namang naka-relate.

Read also

Diocese of Tagum, humingi ng tawad sa publiko dahil sa viral video ng 'galit' na pari sa binyag

"Kanina, he tells me: "Kagabi, may kumatok, madaling araw." I had to tell him, "H'wag mo bubuksan ang pinto. Alam mo ba kung ba't pag kumakakatok nagsasabi ng 'tawo' or 'tao po'?"
Post ng award-winning writer tungkol sa "Tao po!", usap-usapan sa Twitter
Knock on the door
Source: Getty Images

Ipinaalala ni Jerry na kaya raw umano nagsasabi ng "tao po!" ang mga Pinoy na kumakatok sa mga bahay ay para malaman ng kanilang pinupuntahang bahay na tao ang kumakatok at hindi anumang elemento.

Dahil dito, maraming netizens ang nagbahagi ng kani-kanilang karanasan na may kaugnayan sa kasabihang ito.

Karamihan sa kanila ay nakaranas umano ng nakakikilabot ng "tatlong katok" na wala namang tao kung tangkain nilang buksan ang pinto.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga naibahagi:

"Sinabi rin yan ng lolo ko, pero ang tigas ng ulo ko kaya binuksan ko. Ayun, wala ngang tao"
"Well, hindi ako naniwala kay lola na never daw magbukas ng pinto kapag hindi nagsasabi ng tao po yung taong nasa labas. Pero one time, ang tapang ko lang, binuksan ko ang 3 knocks, wala nga"

Read also

Liza Soberano, di raw apektado sa mga pahayag ni Jam Magno ukol sa kanya

"Walang masamang maniwala pero siguro mas maganda samahan na rin natin ng dasal"
"Sa probinsya madalas mangyari yan, ang sabi na lang ng tita ko 'wag na lang naming pansinin pero pag nasa Manila, wala naman"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kasagsagan ng pandemya noong nakaraang taon, isa sa mga pinakatutukang episode sa Raffy Tulfo in Action ay nang bulabugin ang kanilang pansamantalang opisina ng umano'y elemento.

Naimbitahan pa nila noon ang dalawa sa kilalang paranormal investigators sa bansa para lang malaman kung ano ang gumagambala sa kanila. Kalaunan ay nawala rin ito hanggang sa makabalik na muli sila sa kanilang studio.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica