Ivana Alawi, ibinahagi ang kanyang pangarap noong bata pa siya

Ivana Alawi, ibinahagi ang kanyang pangarap noong bata pa siya

- Ibinahagi ni Ivana Alawi ang kanyang pangarap noong bata pa siya bago pa man siya sumikat

- Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa online show nito na Toni Talks, ibinunyag ni Ivana na pinangarap niya noong maging kasambahay

- Gayunpaman, nabago naman iyon noong nag-aral na siya at pinangarap niya din umano maging dancer

- Kinalaunan ay napagtanto niyang wala siyang talent sa pagsayaw kaya pinangarap niyang maging artista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam ni Toni Gonzaga kay Ivana Alawi sa kanyang online show na Toni Talks, naikwento ni Ivana Alawi ang kanyang pangarap noong bata pa siya.

Bago pa niya pinangarap ang maging artista ay nagsimula sa napakasimpleng bagay ang kanyang pinangarap.

Ivana Alawi, ibinahagi ang kanyang pangarap noong bata pa siya
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Dating panadero, isa na ngayong licensed Physician at registered nurse

Aniya, noong bata pa siya, pinangarap niya maging kasambahay at alam umano iyon ng mama niya. Kinalunan, nang pumasok na siya sa paaralan ay nagbago umano ang pangarap niya dahil sa impluwensiya ng kanyang mga napapanood.

Pinangarap niya umano maging dancer ngunit napagtanto niya umanong wala siyang talento sa pagsasayaw. Dito na nagsimula siyang mangarap maging isang artista dahil sa mga teleseryeng napapanood nila noon sa TFC noong nasa Bahrain pa sila.

Kwento pa ni Ivana, nagbabayad pa ang mama niya para sa mga pre-taped na episode ng mga pinapanood nilang palabas noon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit sampung milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Ogie Diaz, sang-ayon sa banat ni Sharon Cuneta sa basher

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel