Ogie Diaz, sang-ayon sa banat ni Sharon Cuneta sa basher

Ogie Diaz, sang-ayon sa banat ni Sharon Cuneta sa basher

- Kamakailan ay hindi pinalampas ni Sharon Cuneta ang pangmamaliit ang panghahamak ng isang basher sa kanya

- Sinabi ng basher na kung nagkataong nakasabayan ng Megastar ang mga sikat na artista ngayon, malamang umano ay hindi ito mapapansin

- Banat naman ni Mega, sa dami ng dumaang magagandang artista bago pa ang mga sikat sa kasalukuyan, nananatili siya at marami nang nagawa

- Para kay Ogie Diaz, tama ang sinabi ni Sharon at marami na umano itong napatunayan ngunit kung sa kanya umano mangyayari iyon ay hindi niya na papansinin ang basher

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Supalpal ang isang basher kamakailan kay Sharon Cuneta matapos nitong maliitin ang Megastar.

Sinabi nito na malamang ay hindi mapapansin si Sharon kung nagkataong kasabayan niya ang ilang naggagandahang artista kagaya nina Bea Alonzo.

Ogie Diaz, sang-ayon sa banat ni Sharon Cuneta sa basher
Sharon Cuneta (Photo by Enrique Soriano/Bloomberg)
Source: Getty Images

Sagot ni Shawie, sa tagal niya na sa industriya, marami nang magagandang artista ang lumitaw at nawala ngunit siya ay nananatili. Marami na rin umano siyang napayaman na mga producers dahil tinatangkilik ang kanyang mga ginawang proyekto.

Read also

Piolo Pascual, nagpagawa ng mansiyon sa Batangas para sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod umano sa kanyang kagandahan ay marunong siyang kumanta at umarte kaya naman marami ang sumusuporta sa kanya maging hanggang sa kasalukuyan.

Ani Ogie, sumasang-ayon siya sa lahat ng sinabi ng Megastar. Bukod dito, pinuri niya rin si Sharon dahil sa pagpapahalaga nito sa kanyang mga fans.

Umiiyak pa umano ito kapag may pumapanaw siyang tagasuporta dahil pinapahalagahan niya umano ang mga taong ito na naging dahilan ng kanyang tagumpay.

Gayunpaman, ani Ogie, kung sa kanya nangyari iyon ay hindi niya sasagutin ang basher dahil baka lalong maengganyo ang ibang basher dahil sa pagpansin ni Mega sa komento ng basher.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel