Customer na 'di nagreklamo sa kabila ng late na delivery at malamig na pizza, viral

Customer na 'di nagreklamo sa kabila ng late na delivery at malamig na pizza, viral

- Viral ang post ng isang customer na nanatiling kalmado sa kabila ng late na delivery ng kanyang pagkain

- Inabot ng ulan ang delivery rider niya na babae pa naman kaya ito ay natagalan

- Halos hindi na nakasalita at nakayuko na lamang ang rider nang dumating na tila inaakalang galit ang customer

- Ngunit paalala ng customer na magsilbing aral ang kanyang dinanas na maging mapagpasensiya sa mga delivery rider

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinapulutan ng aral ang post ng netizen na si Chan Ney na tungkol sa naranasan niyang late delivery ng kanyang pagkain.

Nalaman ng KAMI na imbis na magalit o magreklamo, nanatili na kalmado si Chan at inintindi ang rider lalo na nang makita ang kalagayan nito.

Apat na kilometro raw ang biniyahe nito at dahil sa layo, may bahagi kung saan inabot na pala ng malakas na buhos ng ulan ang kanyang rider.

Read also

Ogie Diaz, galit na galit matapos mapaniwala ng anak na nagpagawa ito ng ilong

Customer na 'di nagreklamo sa kabila ng late na delivery at malamig na pizza, viral
Photo from Chan Ney
Source: Facebook

Bagaman at hindi umulan sa lugar nina Chan, kitang-kita raw niya na basa ang rider at motor nito nang dumating sa kanila.

Mapapansin ding basa ang kahon ng order niyang pizza na malamang ay malamig na.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Subalit sa kabila ng sitwasyong ito, mas pinili ni Chan na maging kalmado.

"The point is, don’t be too quick to let your emotions get the best of you. Don’t make haste decisions based on temporary inconvenience, which may permanently affect someone else’s way of earning," paliwanag ni Chan.

Napansin din niya kasi ang babaeng rider na nakayuko na lamang habang iniaabot sa kanya ang order na animo'y tanggap na niyang siya ay marereklamo na hindi naman ginawa ni Chen.

"Deliverymen deserve our maximum tolerance, they are on the road (in hot or cold weather, and everything in between) all day long. A friendly reminder for us to be consistently considerate," paalala pa ng mabait na customer.

Read also

Nag-viral na artistahing palaboy, endorser na ngayon ng slimming product

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ngayong panahon ng pandemya, isa rin sa maituturing na frontliners ay ang mga delivery riders.

Para lamang masiguro ang ating kaligtasan sa COVID-19, sila ang buwis buhay na nananatili sa labas pa mai-deliver ang ating mga pangangailangan.

Kaya naman nakalulungkot isipin na sa kabila ng kanilang pagtatrabaho ng marangal, nagiging biktima pa sila ng panloloko ng ilan nating kababayang tila walang magawa sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica