Marisol Abduhraman ng GMA, madalas mag-volunteer sa mga "buwis-buhay" na coverage
- Naikwento ng GMA reporter na si Marisol Abduhraman ang hilig niya sa pagkuha ng mga "buwis-buhay" na media coverage
- Katunayan, nagboboluntaryo siya na mag-cover ng balita kahit pa ito ay sa mga "warzone"
- Makailang beses siya noong tinanggihan na magbalita para sa mga kaganapan sa Marawi siege, hanggang sa pinayagan na rin siya
- Patuloy daw siyang maghahatid ng mga ganoong uri ng balita dahil para sa kanya, ito raw talaga ang mga gustong-gusto niyang ginagawa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang bumilib sa GMA reporter na si Marisol Abduhraman sa kanyang rebelasyon na hilig niya ang mga "buwis-buhay" na media coverage.
Nalaman ng KAMI na walang problema kay Marisol kahit pa sa warzone siya ipadala at iyon talaga ang mga gustong-gusto niyang ibalita.
Sa kanyang guesting sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga nitong Marso 10, naikwento ni Marisol na minsan siyang naging guro ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.
"Naging teacher ako ng mga cadete kaya you'll really understand kung bakit ang heart ko ay nasa gera. Mahilig sa mga military stories," kwento ng female reporter.
Katunayan, isa talaga sa mga coverage na hindi niya tinantanan ay ang Marawi Siege noong 2017.
Hindi raw siya noong pinayagan na ipadala ang GMA dahil paroyoridad nila ang lalaking reporter para rito.
Subalit dahil sa kanyang pagpupursige, napagbigyan din siya at naipadala mismo sa Marawi.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
"Ako, the more na nanganganib ang buhay ko, gustong gusto ko,"
"Sorry ha, pero totoo 'yun. Parang nakakatakot 'yun, pero lalong lalo lang akong nangigigil na dapat maganda 'yung coverage namin, dapat makakuha kami ng magandang story," dagdag pa ni Marisol.
Dahil dito, pinaalalahanan na lamang siya ng mga host na sina Maine Mendoza at Wally Bayola na mag-ingat palagi lalo na at talagang kakaibang mga kaganapan ang madalas na nais ibalita ni Marisol.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ang "Bawal Judgmental" ay bahagi ng longest noontime show sa Pilipinas na "Eat Bulaga". Mapapanood ito araw-araw mula Lunes hanggang Sabado sa GMA.
Bukod sa mga GMA female reporters, naging panauhin din sa "Eat Bulaga" ang isa sa mga naging kalahok ng Little Miss Philippines (LMP) na si Patricia Leticia Syson. Ikinuwento ni "Patti" ang kanyang mga masasayang karanasan sa pagsali sa LMP at sa ngayon, hindi lamang siya doktor, isa rin siyang abogado at propesor.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh