Binatilyong 16 beses na inikot bago ihulog sa pool, nakapanayam ni Tulfo

Binatilyong 16 beses na inikot bago ihulog sa pool, nakapanayam ni Tulfo

- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang nag-viral an binatilyong pinaikot ng mga kaibigan bago ihulog sa pool

- Nalunod ang binatilyo dala ng matinding hilo kahit pa marunong siyang lumangoy

- Kababata naman daw niya ang mga kaibigan kaya naman tiwala siya sa mga ito subalit nanganib ang kanyang buhay

- Nanghinanakit din ang ina ng binatilyo lalo na at ang unang balita na nakarating sa kanya ay pumanaw na ang anak

- Humingi na rin ng tawad ang mga kaibigan na nagawa namang magpunta sa ospital para kumustahin ang kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanayam mismo ni Raffy Tulfo ang binatilyo sa viral video na si Ralph Agramon na pinaikot ng mga kaibigan bago ihulog sa pool.

Nalaman ng KAMI na bagaman at marunong palang lumangoy si Ralph, talagang hindi na nito kinayang umahon dala ng matinding hilo.

Read also

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya

Kwento mismo ni Ralph, kababata niya ang mga kasama kaya naman tiwala siya sa mga ito.

Binatilyong 16 na beses na inikot bago ihulog sa pool, idinetalye kay Tulfo ang nangyari
Raffy Tulfo (Photo from @raffytulfoinaction)
Source: Instagram
"Siyempre ako, kaibigan ko sila mula pagkabata, nagtiwala naman ako sa kanila, kaya ayun inikot nila ako"
"May isang chance pa po nakataas ko po ang ulo ko, nakahigop pa po ako ng hangin pababa na siyang dahilan ng paghinga-hinga ko doon,"
"Pagkalipas ng ilang minuto, di ko na alam ang nangyari," kwento ni Ralph.

Sa ngayon, nasa maayos na kalagayan si Ralph na patuloy na lamang na nagpapagaling.

Samantala, naglabas naman ng hinanakit ang kanyang ina dahil ang unang nakarating sa kanya at pumanaw na ang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Hindi rin umano kayang panoorin ng ina ang video lalo at hindi niya akalaing magagawa ito ng mga kaibigan ng kanyang anak.

Humingi naman na ng tawad ang mga kaibigan ni Ralph sa kanya at sa kanyang pamilya. Dumalaw na rin sila sa ospital para kumustahin at magbantay sa kaibigan.

Read also

Ina, ibinahagi ang nakakaantig na ginawa ng mga motorista maisalba lang ang buhay ng anak

Tinanggap naman ito ng pamilya ni Ralph ngunit magsilbi na raw sana itong aral sa ibang magkakaibigan. Ayon pa sa ina ng binatilyo, labis siyang nangamba dahil sa panahon ngayon mga menor de edad ang nasasangkot sa mga krimen.

Sa ngayon, wala pang balak na panagutin ng pamilya ni Ralph ang resort kung saan naganap ang pagkalunod nito ngunit nangako naman si Tulfo na tutulong sa pamilya ng binatilyo.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa naunang ulat ng KAMI, makikita ang aktwal na video sa kung ano ang kabuuang nangyari sa binatilyo.

Read also

Viral na jeepney driver na namamalimos, "nagkakalog" pa rin makalipas ang 1 taon

Labis-labis naman ang pasasalamat ng kapatid ng biktima sa mga taong tumulong upang maligtas ang kapatid.

Umani ng matinding reaksiyon ang video na ito dahil sa sinapit ng batang lalaki. Sa kasalukuyan kumalat na ito sa Facebook at iba pang social media platforms.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica