Baby switching ng mga pumanaw na sanggol, naganap sa Davao del Norte

Baby switching ng mga pumanaw na sanggol, naganap sa Davao del Norte

- Isa na namang baby switching ang naganap sa Davao Del Norte kamakailan

- Ito ay matapos na maitampok sa programang 'Kapuso Mo,Jessica Soho' ang nagkapalitang sanggol sa Rizal

- Subalit ang mga sanggol na naipagpalit sa Davao ay pawang mga pumanaw na

- Kaya naman doble ang sakit sa kani-kanilang pamilya na matapos mamatayan ay hindi pa naiuwi agad ang labi ng totoo nilang mga supling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang linggo lamang ang nakalilipas nang maitampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang baby switching na naganap sa Rizal, isa na namang pagpapalitan ng sanggol ang naibahagi sa kanilang programa.

Nalaman ng KAMI na naganap ito sa Davao del Norte at sa kasamaang palad, pumanaw na ang mga nagkapalit na sanggol.

Kwento ng isa sa mga ina na si Angelie Supiter, nito lamang Pebrero 27 nang siya ay manganak. Subalit sa kasamaang palad, hindi raw umiyak ang kanyang sanggol.

Read also

Ina, ibinahagi ang nakakaantig na ginawa ng mga motorista maisalba lang ang buhay ng anak

Baby switching ng mga pumanaw na sanggol, naganap sa Davao del Norte
Photo from Pixabay
Source: UGC

Dahil dito, agad nilang itinakbo sa ospital na may intensive care unit ang sanggol ngunit isang araw lamang ang itinagal nito at binawian na rin ng buhay.

Bilang pagsunod sa mga protocol kaugnay sa COVID-19, hindi naiuwi agad ni Angelie ang labi ng kanyang anak.

Kinailangan pa raw kasing sumailalim ito sa swab test para masigurong wala nga itong COVID-19.

Tumagal ng ilang araw at hindi pa rin makuha ni Angelie ang anak hanggang sa inamin na sa kanila ng ospital na tila naipalit ang sanggol sa isa pa ring pumanaw na supling na nadala naman sa Laak, Davao de Oro.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Doon nailagak ng isa pang mga naghihinagpis na mga magulang ang anak ni Angelie. Duda na rin silang hindi nila anak ang kanilang pinaglalamayan.

Masamang-masama ang loob ng isa pang ina na si Mary Ann dahil apat na araw na nasa karton lamang ang anak bago ito naipalit sa anak naman ni Angelie.

Read also

Viral na jeepney driver na namamalimos, "nagkakalog" pa rin makalipas ang 1 taon

Sa ngayon, naibigay na sa kani-kanilang totoong mga magulang ang mga sanggol at nahimlay na rin sila sa kanilang huling hantungan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.

Umabot sa part 5 ang episode na ito ng KMJS kaya naman marami ang natuwa at "happy ending" naman ang kinahinatnan ng dalawang sanggol sa dalawang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica