Toni Fowler, emosyonal na ibinahagi ang umano'y puno't-dulo ng sigalot nila ni Rob Moya

Toni Fowler, emosyonal na ibinahagi ang umano'y puno't-dulo ng sigalot nila ni Rob Moya

- Hindi na nakapagpigil si Toni Fowler at naglabas na rin ng kanyang saloobin

- Ito ay matapos ang naging pasaringan nila ng dating karelasyon na si Rob Moya sa social media

- Ibinahagi ni Toni na tanggap naman na niyang may karelasyon nang iba si Rob ngunit may pinakiusap umano siya dito

- Nagkausap umano sila at hiniling ni Toni na kung maari ay huwag munang isapubliko ni Rob ang bagong relasyon kahit para lang sa anak ni Toni na si Tyronia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Toni Fowler, sa kabila ng mga nagawa noon ni Rob Moya sa kanya ay hindi siya nagsalita laban dito dahil minahal niya ito.

Gayunpaman, matapos nilang magkahiwalay at ngayon ay napapabalitang may bago nang karelasyon si Rob, nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan.

Toni Fowler, emosyonal na ibinahagi ang puno't-dulo ng sigalot nila ni Rob Moya
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ayon kay Toni, hiniling niya sa dating karelasyon na kung maari sana ay huwag na munang isapubliko ang kanyang bagong relasyon dahil baka masaktan si Tyronia.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Si Tyronia ang anak ni Toni sa unang karelasyon bago pa si Rob. Gaunpaman, nakilala si Rob sa YouTube at sa social media matapos niyang maging karelasyon ni Toni at marami ang bumilib sa kanya sa pagmamahal na pinakita nito sa anak ni Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa umano sa nagawa ni Rob ay napakialaman nito ang perang itinabi ni Toni para sa anak na nagkakahalaga ng tatlong milyon.

Ikinagulat na lamang niyang 200,000 na lang umano ang pera ng anak. Ipinagkatiwala niya umano kay Rob ang ATM dahil may tiwala naman siya dito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kabila ng nagawa ni Rob, pinatawad umano siya ni Toni dahil sa pagmamahal niya dito.

Dumating ang panahong wala na umano itong oras para kay Toni at dumating din sa puntong muntik na umano siyang mapahamak sa kamay ng kanyang editor dahil wala si Rob sa tabi niya para maipagtanggol siya.

Read also

Sharon Cuneta, natangayan ng P500,000 ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan

Sa kabila umano ng nagawa sa kanya ng editor ay pinatawad daw ito ni Rob.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nakilala ang tambalang Rob at Toni matapos masangkot ni Toni sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at Rob hanggang sa unti-unting lumaki ang kanilang pamilya na kinabilangan ng malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.

Kilala sila sa tawag na Toro Family. Si Toni Fowler ay unang nakilala sa social media bilang isa sa mga RBreezy girls.

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel