Madre na nag-viral sa ipinakitang katapangan, muling pumagitna sa gulo sa Myanmar
- Matapang na pumagitna muli ang madre na si Sister Ann Rose Nu Tawng sa gitna ng kaguluhan sa Myanmar
- Nangangamba umano ang madre para sa buhay ng mga batang naroon sa lugar ng protesta
- Inako na niya at sinabing siya na lamang ang saktan at huwag na ang walang kamalay-malay na mga bata
- Subalit sa kasamaang palad, nagawa paring paputukan ng mga pulis ang mga nagpoprotesta sa likod ng madreng patuloy na nagmamakaawa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muli na namang pumagitna ang 45-anyos na madre na si Sister Ann Rose Nu Tawng sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng mga pulis at sibilyan sa Myanmar.
Matatandaang si Sister Ann din ang madre na lakas loob ng humarang sa mga pulis upang hindi na madamay ang mga sibilyang humihingi lamang daw umano ng respeto at karapatan.
Sa ulat ng CBS News, makikitang muling namagitan ang madre sa kaguluhan.
Nalaman ng KAMI na lumuhod pa talaga ito sa pagmamakaawa na huwag nang saktan ang mga bata na nasa malapit lamang sa lugar ng kaguluhan.
Ayon sa News5, nagpresinta pa umano ang madre na siya na lamang ang saktan huwag lamang ang mga bata at ang mga inosenteng sibilyan.
"I begged them not to shoot the children because I am worried about people in the hospital nearby and residents," pahayag ni Sister Ann.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Subalit sa ulat ng GMA News, sinabing nagawa pa rin umanong paputukan ng mga armadong pulis ang mga nagpoprotesta sa likod ng madre.
"The children panicked and ran to the front...I couldn't do anything but I was praying for God to save and help the children," kwento ng madre.
"I'm very sad it happened as I was begging them," dagdag pa ni Sister Ann.
Sa unang pagkakataon na nagawa ito ni Sister Ann, nasa 100 mga sibilyan ang nakaligtas subalit sa ikalawang pagkakataon nitong Marso 8, tila hindi na siya napagbigyang muli dahil nasa 60 pa umano ang nasawi sa kaguluhan.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa Pilipinas, isa sa mga pinakatinutukang insidente kamakailan ay ang naging engkwentro sa pagitan ng mga pulis at miyembro umano ng PDEA.
Umabot din umano sa 4 ang nasawi sa naturang kaguluhang ito sa labas ng Ever Gotesco Mall kung saan naipit din ang ilang mga sibilyan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh