Kris Aquino, nilinaw ang isyu tungkol sa umano'y tatakbo siya sa 2022
- Kasunod ng kanyang naging pahayag hinggil sa pagtatanggol niya sa kanyang mga anak, nilinaw ni Kris ang panibagong isyung ipinukol sa kanya
- Lumabas ang espikulasyong balak umanong tumakbo ni Kris sa eleksiyon sa taong 2022
- Nilinaw ng “Queen of all media” na walang katotohanan ang espikulasyong ito
- Gayunpaman, nilinaw niyang kung papasok man siya sa politika mayroon pa siyang ma-achieve sa kanyang sarili
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Mariing pinabulaanan ni Kris Aquino ang espikulasyong tatakbo siya sa eleksiyon sa taong 2022.
Sa isang "mic drop" post sa kanyang social media account, inisa-isa niya ang kanyang punto hinggil sa kanyang dahilan kung bakit hindi siya tatakbo sa 2022.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nilinaw niyang ang kanyang tinutukoy na "yelllow brick road" sa nauna niyang post ay nangangahulugan ng kanyang plano na lumipat sa Tarlac.
“Some are now triggered without really studying my words…in the Wizard of Oz, Dorothy traveled the yellow brick road only to realize ‘there is no place like home,' aniya.
Aniya, hindi pa siya makakapasok sa politika ngayong paparating na halalan dahil nainiwala siyang kailangan ay maging maayos ang kanyang kalusugan sakaling tatakbo siya.
“2022? Not likely…You deserve a healthy public servant, able to be there for you 24/7. You deserve someone who went back to school to study finance and community development. And my youngest should already be in college so that whatever is thrown his way, he’ll be well-equipped to defend himself,” Aquino said.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Kailangan niya rin umanong makuha ang tiwala at respeto ng publiko. Nais niya ring masiguradong nasa kolehiyo na ang anak na si Bimby para kaya na nitong ipagtanggol ang kanyang sarili sa kahit anong ibato sa kanya.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.
Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.
Matatandaang inalmahan ni Ogie Diaz ang pinapakalat na balita tungkol sa anak ni Kris na si Joshua.
Diretsahan ding sinupalpal ni Kris ang lumabas na balitang nakipag-date umano siya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh