Zeinab at Skusta Clee, sinurpresa ang editor nila ng mamahaling cellphone

Zeinab at Skusta Clee, sinurpresa ang editor nila ng mamahaling cellphone

- Sinurpresa nina Skusta Clee at Zeinab Harake ng bagong cellphone ang kanilang video editor

- Talagang pinaghandaan umano nila ito dahil mahirap umanong ma-prank ang editor nilang ito

- Sa pamamagitan ng "I Like and I don't Like" ng Team Zebby, magkakaroon ng eksena kung saan ipa-prank muna nila ang target nilang bigyan ng cellphone

- Naluha ang kanilang editor nang ibigay na sa kanya ang iPhone 11 Pro Max

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagdalawang- isip ang magkasintahang sina Skusta Clee at Zeinab Harake na bigyan ng mamahaling cellphone ang kanilang editor na si Enzo.

Naikwento ng dalawa na nahihirapan umano silang planuhin kung paano nila mabibiktima sa prank si Enzo na madali umanong makahalata.

Kaya matapos ang ilang araw, napagdesisyunan nilang gagawa muna sila ng vlog tungkol sa "I Like and I don't Like" ng Team Zebby.

Read also

Valentine Rosales sa Dacera case: "Ang daming nakikisawsaw sa isyu na ito!'

Zeinab at Skusta Clee, sinurpresa ang editor nila ng mamahaling cellphone
Zeinab at Skusta Clee (Photo from @zeinab_harake)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Doon kasabwat nila ang isa pang editor na si Jahan kung saan magkakaroon kunwari ng eksena hanggang sa mamuo na ang tensyon lalo na sa pagitan nila ni Enzo.

Nang gawin na nila ang "I Like and I don't Like" tila napapaniwala na nila si Enzo na hindi umano nila ito gusto dahil sa ugaling ipinakikita nito sa trabaho.

Kaya naman nang napansin nilang tinatablan na ng prank ang editor, doon na nila inilabas ang kanilang surpresa rito na iPhone 11 Pro Max.

Naiyak sa sobrang tuwa si Enzo habang ipinaliliwanag ni Zeinab na walang katotohanan ang mga nasabi nila sa prank kay Enzo.

Katunayan, sinabi pa ni Zeinab na deserve ng kanilang masipag na editor ang mamahaling cellphone lalo na at "bulok-bulok" na raw ang cellphone nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Mulleno at Sifiata family ng 'baby switching' episode ng KMJS, may YouTube channel na

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Kamakailan ay isinapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel