Little Miss Philippines 2005, inalala kung paano niya naiuwi ang korona

Little Miss Philippines 2005, inalala kung paano niya naiuwi ang korona

- Ibinahagi ng Little Miss Philippines 2005 ang kanyang masasayang karanasan sa pagiging bahagi ng paligsahan

- Isa siya sa pinalad na makarating sa Grand Finals at siya na nga ang tinanghal na title holder noong taong 2005

- Husay sa pag-arte ang kanyang naging pambato na kapansin-pansin naman sa talent portion

- Hinangaan din siya ng marami sa kanyang sagot sa Question and Answer portion at tinotoo nga niya ang isinagot na ipadadala ang pera sa lolo na may sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng Little Miss Philippines 2005 na si Keirstien Faith P. Araza ang masasayang alaala niya sa pagsali sa nasabing patimpalak ng Eat Bulaga.

Nalaman ng KAMI na makalipas ang 15 taon, sariwa pa kay Faith ang pag-uwi niya ng korona nang siya ang tanghaling panalo.

Kwento ni Faith, tinotoo niya ang isinagot niya sa "Question and answer" portion kung saan naitanong sa kanya kung ano ang hihingin niya sakaling makita niya si Hesus.

Read also

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya

Little Miss Philippines 2005, inalala kung paano niya naiuwi ang korona
Little Miss Philippines 2005, Keirstien Faith P. Araza Photo credit: Eat Bulaga
Source: Facebook
"Sana po manalo po ako sa contest na 'to kasi ang perang mapapanalunan ko ay tatabi ko po para sa pag-aaral ko at ipambibili ko po ng gamot sa lolo kong may sakit na nasa ospital."

At nang manalo nga si Faith, tinotoo niya ang kanyang isinagot at agad na ipinadala sa kanyang lolo ang bahagi ng kanyang panalo.

Bagaman at pumanaw na rin daw ito makalipas lamang ang isang taon, alam naman niyang napasaya niya ito sa kanyang pagsali sa Little Miss Philippines.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, naikwento rin ni Faith na ang natirang perang napanalunan at nagamit nga niya sa kanyang pag-aaral.

Ngayon isa sa na siyang HR Associate matapos na magtapos sa kolehiyo sa kursong BS Psychology.

"Of all the memories I've had as a child, joining Little Miss Philippines was the MOST FUN & MEMORABLE, one of my proudest moments. It opened a lot of opportunities for me, and for that, I am and will forever be grateful to EAT BULAGA."

Read also

OFW sa Dubai, hindi pa rin maiwan ang mga alaga at amo kahit milyonarya na siya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang Little Miss Philippiines ay bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino.

Ilan sa mga sikat na artista na naging produkto ng patimpalak na ito at sina Ice Seguerra, Cammille Prats, at maging si Pauleen Luna.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica