Bea Alonzo, may makahulugang pahayag tungkol sa paglabas ng katotohanan sa tamang oras

Bea Alonzo, may makahulugang pahayag tungkol sa paglabas ng katotohanan sa tamang oras

- Matapos lumabas ang pag-amin ni Gerald Anderson sa relasyon nila ni Julia Barretto, marami ang nakaabang sa magiging reaksiyon ng ex-girlfriend nitong si Bea Alonzo

- Sinabi din ni Gerald na hindi totoo na nang ghost siya kagaya ng nauna nang sinabi ni Bea tungkol sa kanilang paghihiwalay

- Kasalukuyang nasa farm nila sa Zambales si Bea kasama ang kanyang pamilya at masaya umano siya sa oras na nakakasama niya ang mga mahal niya sa buhay

- Makahulugan din ang kanyang pahayag tungkol sa paglabas ng katotohanan sa tamang oras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account kung saan ibinahagi niya rin ang mga litrato na kuha sa farm nila sa Zambales kasama ang kanyang pamilya.

Aniya, sa gitna ng pandemya ay masaya siyang mabigyan ng pagkakataon na makasama ang kanyang pamilya at mga taong mahalaga para sa kanya.

Read also

Bea Alonzo, pinasilip ang naipundar na farm sa Zambales

Bea Alonzo, may makahulugang pahayag tungkol sa paglabas ng katotohanan sa tamang oras
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa pa sa naging pahayag niya ay ang tungkol sa time. Pinagpapasalamat niya ang time na kasama niya ang pamilya niya, time na nakapaghilom ng mga sugat at time na isinalarawan niya bilng "ultimate truth teller."

So, here’s to TIME! Time that is best spent with family, Time that heals all wounds, and Time as the ultimate truth teller!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang nang pumutok ang balitang nagkahiwalay sila ni Gerlad Anderson, si Julia Barretto ang itinuturong dahilan. Gayunpaman, inalmahan ito ng aktres at pinasinungalingan ang mga paratang.

Binweltahan pa ni Julia si Bea sa kanyang open letter dahil sa umano'y pambubully sa kanya at sa mga naging action nito na nagtulak umano sa mga netizens para atakehin siya.

Read also

Sharon Cuneta, natangayan ng P500,000 ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan

Nitong Biyernes ay inilabas ang panayam kay Gerald Anderson kung saan inamin niyang masaya siya kay Julia Barretto at itinanggi nito ang akusasyong nang-ghost siya sa kanyang ex.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Samantala, kamakailan ay kinumpirma ng ABS-CBN na hindi na kabilang sa Star Magic si Bea. Naging usap-usapan din kamakailan nang mamataan sina Bea at si John Lloyd na magkasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel