Joshua Garcia, nilinaw na 'fan account' ang nagpo-post ng komento tungkol kina Gerald at Julia

Joshua Garcia, nilinaw na 'fan account' ang nagpo-post ng komento tungkol kina Gerald at Julia

- Nilinaw ni Joshua Garcia na hindi siya ang may-ari ng Facebook account na nagkokomento tungkol kuna Gerald Anderson at Julia Barretto

- Wala raw umanong active Facebook account ang aktor at fan account lamang ang nakikita ng publiko

- Mapapansing mahigit 321,000 ang followers ng account na ito kaya naman mabilis na naglabas ng "disclaimer" si Joshua tungkol dito

- Kamakailan ay inamin na ni Gerald ang matagal nang espikulasyon ng marami na relasyon nila ni Julia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na naglabas ng pahayag ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia tungkol sa mga komento umano ng isang Facebook account sa relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Nalaman ng KAMI na agad na nilinaw ni Joshua na hindi sa kanya ang Facebook account na naglalabas ng saloobin umano ng aktor sa relasyon ng ex- girlfriend niyang si Julia sa nakatambal nito sa pelikulang 'Between Maybes" na si Gerald.

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

Joshua Garcia, nilinaw na 'fan account' ang nagpo-post ng komento tungkol kina Gerald at Julia
Photo credit: Joshua Garcia
Source: Facebook

Sa kanyang Instagram stories, naglabas ng disclaimer si Joshua na hindi siya ang naglalabas ng naturang mga post.

“FYI po, this one is not mine and I don’t have any active Facebook account. Kindly spread the info. Thank you.”

Sa ulat ng Kapamilya Online World, tila nangangahulugan lamang na ayaw na umanong madawit ni Joshua ang kanyang pangalan sa rebelasyon kamakailan ni Gerald.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kalakip nito ang mga larawan kung saan nagkomento ang nasabing FB page ng "Congratulations Joshua Garcia at Julia Barretto" at "Maging masaya tayo sa ikaliligaya ng iba."

Naglabasan ang mga post matapos na umamin ni Gerald na may relasyon nga sila ni Julia.

Sa isang eksklusibong panayam ni Boy Abunda kay Gerald, sinabi nitong masaya siya sa kasintahang si Julia.

May ilang nabanggit din siya tungkol sa naging kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Bea Alonzo na umano'y nabiktima raw ng 'ghosting' ni Gerald.

Read also

Customer na 'di nagreklamo sa kabila ng late na delivery at malamig na pizza, viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Joshua Garcia ay isa sa mga rising stars ng ABS-CBN. Dahil sa galing niya sa pag-arte ay inihalintulad din siya kay John Lloyd Cruz. Naging laman siya ng balita nang maghiwalay sila ng ka-love team at ex-girlfriend niya na si Julia Barretto.

Kamakailan ay gumawa ng ingay sa social media ang muling pagtatambal nina Joshua at Julia sa music video ng "Paubaya" ni Moira Dela Torre.

Damang-dama ng mga fans at netizens ang naturang video na umano'y walang script at sinasabing nagsilbing 'closure' ng naging relasyon ng dalawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel