Kris Aquino, sinagot ang netizen na nag-uugnay sa kanya kay Sen. Bong Go

Kris Aquino, sinagot ang netizen na nag-uugnay sa kanya kay Sen. Bong Go

- Ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang social media accounts ang mga litrato ng natanggap niyang bulaklak

- Isang netizen ang nag-ugnay sa kanya kay Senator Bong Go at tila pinapahiwatig nitong sa senador galing ang bulaklak

- Isa pang netizen ang nagbahagi ng kanyang opinyon tungkol sa kanyang pananaw sa senador

- Hindi pinalampas ni Kris ang panghuhusga sa senador at sinabing hindi niya papayagan ang ganong mga komento sa kanyang social media account

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Kris ang kanyang pasasalamat sa nagbigay ng mga bulaklak sa kanya. Marami ang nakihula kung kanino galing ang mga bulaklak na iyon.

Mayroong nagsasabing galing iyon kay Vice Governor Mark Liveste. Gayunpaman, nanatiling tikom ang bibig ni Kris kaugnay sa pagkakakilanlan ng nagbigay sa kanya ng mga bulaklak.

Kris Aquino, sinagot ang netizen na nag-uugnay sa kanya kay Sen. Bong Go
Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Isang netizen naman ang nag-ugnay kay Kris kay Senator Bong Go. Isa pang netizen ang umalma at nagsabing hindi umano bagay si Kris at Senator Bong. Ibinahagi nito ang kanyang opinyon sa senador.

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinagot ni Kris ang mga komentong ito. Hindi niya pinalampas ang negatibong komento at ipinagtanggol ang senador:

I disagree... from the few times i have had personal encounters with SBG, he is actually humble, hard working, loyal, and efficient. We can all have differing political opinions but i believe we can be civil in expressing our opinions... BECAUSE i know how it feels to be verbally lambasted just because of my last name so i promised that what has been done to me, on my feed i won’t allow to be done to others... it has to start with me...

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Para naman sa netizen na nag-ugnay sa kanya sa senador, narito ang tugon ni Kris:

Read also

Nancy Castiglione, umalma sa lumabas na isang article tungkol sa kanya

I have no idea ano ang trip mo, BUT if it will make your weekend happy, since we all need more of it, SBG knows how to reach me- i’m game... wag lang mag chaperone ang tatay ni kuya josh.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang inalmahan ni Ogie Diaz ang pinapakalat na balita tungkol sa anak ni Kris na si Joshua.

Diretsahan ding sinupalpal ni Kris ang lumabas na balitang nakipagdate umano siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel