Doktor, binayaran ng pasyenteng binigyan niya noon ng pambili ng gamot

Doktor, binayaran ng pasyenteng binigyan niya noon ng pambili ng gamot

- Nagulat ang isang "doctor to the barrios" nang bayaran pa siya ng pasyenteng binigyan niya ng pambili ng gamot

- Naganap ito noong nakaraang taon at hindi na rin nito maalala ang pangalan at mukha ng pasyente

- Hindi na rin naman daw niya umano inaasahang babayaran siya ng pasyente dahil kusang loob niya itong binigay

- Libre naman nilang ibinibigay ang mga gamot sa barrio ngunit nawalan sila ng supply kaya binigyan niya ng pambili ang pasyenteng nais niyang gumaling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naantig ang puso ng doctor na si Alfie Calingacion dahil sa isa niyang naging pasyente na nagawa pang bayaran ang pambili ng gamot na kanyang ibinigay.

Nalaman ng KAMI na naglingkod bilang isang "doctor to the barrios" si Alfie sa isang rural health center sa Loon, Bohol.

Ayon sa doktor, libre naman talaga ang gamot nila sa barrio subalit naubusan sila ng supply noon.

Read also

Dating estudyante, humingi ng tulong kay Tulfo para sa guro na may breast cancer

Doktor, binayaran ng pasyenteng binigyan niya noon ng pambili ng gamot
Photo from @alfieRMT_MD (Alfie Calingacion)
Source: Twitter

Sa kagustuhang gumaling ang kanyang pasyente, binigyan na niya lamang ito ng pambili ng gamot.

"I had a patient who had no money for the medications I prescribed. So I gave him money. This happened last year, I even forgot his name and face already," kwento ni Doc Alfie.

Kaya naman laking gulat niya nang bumalik ang naturang pasyente nito lamang Marso 4 at binabayaran ang perang ibinigay naman sa kanya talaga ng doktor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

“Doc bayad ko sa akong utang nimo,” at inabot ng pasyente ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ng doktor kalakip ang halagang ipinambili niya noon ng gamot.

Hindi na raw niya talaga ito inaasahan dahil bigay naman talaga niya ang pera at hindi pahiram.

Maging ang mga netizens ay naantig sa trending post na ito ni Doc Alfie na kapupulutan talaga ng aral.

Read also

Julia Barretto, pinagkaguluhan matapos ibahagi ang kanyang picture na "palaban"

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana lahat ng doctor tulad mo po, saludo po ako sa ginawa niyo!"
"It only means you really have a good heart! That’s how precious you are to them"
"Bumabalik talaga ang kabutihan ng isang tao, tularan pa po sana kayo ng marami"
"Dahil gusto niyang gumaling ang pasyente niya binigyan niya ng pambili ng gamot, nakakataba po ng puso!"
"Totoo po yan kung sino pa kapos sa pera sila pa yung mga matulungin"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa talaga sa maituturing nating mga bayani ang mga doktor lalo na sa panahon ngayon na patuloy ang pakikipaglaban natin sa COVID-19.

Tunay na hindi matatawaran ang kanilang dedikasyon sa kanilang pagbibigay serbisyo sa kapwa lalo na at pagsasalba ng buhay ang kanilang pangunahing isinasagawa.

Read also

Donnalyn Bartolome, emosyonal na ibinahagi ang kwento bago makuha ang sportscar

Kaya naman nararapat lamang na sila'y bigyang pugay at pagpapahalaga dahil hindi biro ang araw-araw nilang pakikibaka ngayon sa mga ospital meron man o walang pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica