Donnalyn Bartolome, emosyonal na ibinahagi ang kwento bago makuha ang sportscar

Donnalyn Bartolome, emosyonal na ibinahagi ang kwento bago makuha ang sportscar

- Ipinakita na ni Donnalyn Bartolome ang nabiling sportscar para sa kanyang sarili

- Mababakas na super excited ito lalo na ito ang unang beses niyang bumili ng mamahaling kotse na para naman sa kanya

- Dahil dito, naibahagi niya ang kanyang pinagdaanan noong mga panahong nawalan din umano siya ng pera at namuhay na mag-isa

- Labis siyang natutuwa na nakikita na niya ang bunga ng lahat ng kanyang mga pinaghirapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pinakabagong vlog na ibinahagi ng YouTuber na si Donnalyn Bartolome, ipinakita na niya ang ang nabiling sportscar para sa kanyang sarili.

Nalaman ng KAMI na iyon ang unang beses na makikita niya ang bihis ng mamahalin niyang kotse.

Hindi naiwasang maging emosyonal ni Donnalyn nang bahagya niyang maibahagi ang kanyang pinagdaanan noong mga panahong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang career.

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

Donnalyn Bartolome, emosyonal na ibinahagi ang kwento bago makuha ang sportscar
Donnalyn Bartolome (Photo from @donna)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Eight years ago, nahirapan ako maghanap ng pangkain," pabiro pa niyang sinabi.

Hanggang sa tuluyan na nga niyang naikwento na bagaman at mula siya sa pamilya ng mayaman, bumukod siya at piniling maging independent para sa career na nais niya para sa kanyang buhay.

Kaya naman ngayon na nakabili siya ng mamahaling bagay para sa kanya, nakita niyang unti-unti nang nagbubunga ang ipinaglaban at pinanindigan niyang career.

"It's my first time to buy something grand for myself," kwento pa ni Donna.

Madalas daw niya kasing unahin ang kanyang pamilya kaya naman dalawa na ang van na nabili niya.

"It's just nice, working hard all these years, nakabili ako ng gusto ko for myself naman," naiiyak pa ring sabi ng aktres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya

Si Donnalyn Bartolome ay isang singer, rapper, at actress sa bansa. ISa rin siya sa mga kilalang YouTube vlogger sa bansa na mayroon nang 6.51 million subscribers sa kanyang channel na Donna.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga kinagiliwan na vlogs sa kanya ay nang magpalit sila ng buhay ng kanyang personal assistant sa loob ng isang araw.

Kamakailan ay kinilig naman ang netizens sa collab nila ni Ivan Alawi kung saan, ipinapareha umano siya sa kapatid nitong si Hashim.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel