Ice Seguerra, Liza Diño nag-celebrate ng kanilang 8th anniversary

Ice Seguerra, Liza Diño nag-celebrate ng kanilang 8th anniversary

- Walong taon na simula nang magsimula ang relasyon nina Ice Seguerra at Liza Diño

- Sa kanyang Instagram account ay nagpost si Ice ng kanyang anniversary message para sa dating beauty queen

- Malaki ang pasalamat niya kay Liza dahil sa palagi itong nandiyan kung kailangan niya ito

- Hiling ng singer na sana ay naipapadama rin niya sa kanyang pinakamamahal ang seguridad na ibinibigay nito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinagdiwang nina Ice Seguerra and Liza Diño ang walong taon ng kanilang pagmamahalan ngayon, ika-5 ng Marso.

Ice Seguerra, Liza Diño nag-celebrate ng kanilang 8th anniversary
Ice Seguerra (Photo credit: @iceseguerra)
Source: Instagram

Hindi napigilan ni Ice na ibahagi ang kanyang saya ngayong walong taon na pala simula nang sinagot siya ng dating beauty queen. Nag-post siya sa kanyang Instagram account ng isang mensahe para kay Liza.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Ayon sa singer ay naging makulay, masaya, at puno ng buhay ang walong taon ng kanilang pagsasama.

"Walong taon na ang nakaraan mula nang binigay mo ang iyong matamis na 'oo.' Walong taong punong-puno ng buhay, kulay, at ligaya.”

Nagpasalamat rin siya dahil palagi niyang nasa tabi si Liza, lalo na kapag kailangan niya ng karamay. Pinasalamatan niya rin rito dahil sa tinutulungan siya nitong mahubog ang kanyang pagkatao.

“Thank you for always being there. Especially sa mga panahon na kailangan ko nang matinding yakap at kausap.
“Thank you for be my bestest friend, my number one fan, my worst critic (yes, dinaig mo na si Caridad Seguerra sa pagiging critic).
“You continuously help me grow not just in my artistry but bilang isang tao," mensahe ni Ice.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sinabi rin ng dating child star na sa piling ni Liza ay naramdaman niya ang seguridad na siya ay mahalaga at minamahal.

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

"Thank you for being the best wife, lover, jowa, at lahat lahat na. You are my wholesome dreams and my naughty thoughts, rolled into one.
“I've never felt more safe, secured, respected, needed, wanted, and loved.”

Hiling ni Ice na sana ay naipaparamdam din niya ang mga ito sa kanyang pinakama-mahal.

“I hope napaparamdam ko rin sa iyo yun parati. Mahal na mahal kita, ex-jowa. Buti na lang sinagot mo ako. Swerte mo, no? Happy 8th jowaniversary!!!!!" pagbati niya.

Sina Ice at Liza ay nagpakasal sa California noong Disyembre ng 2014. Pagkatapos noon ay muli silang nagpalitan ng kanilang sumpaan sa isang symbolic ceremony sa Pilipinas noong Enero ng sumunod na taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ice Seguerra ay dating nakilala bilang si Aiza Seguerra. Sumikat siya bilang isang bibong child star. Isa rin siyang magaling na singer. Ilan sa mga sikat niyang kanta ay “Pagdating ng Panahon” at “Akala Mo”.

Read also

Willie Revillame, pinakita ang kanyang bagong helicopter

Ilang araw pa lamang ang nakakaraan nang ibinahagi ni Ice na nakaranas siya ng anxiety attack. Tatlong araw daw siyang hindi makagalaw, ngunit naka-recover din siya sa tulong ni Liza.

Noong nakaraang taon ay inamin ng singer ang tungkol sa pinagdadaanang depression. Ayon sa kanya ay nakatulong ang pinaigting na mental health issue awareness upang mas madali siyang maka-recover.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel