China, magdo-donate pa ng karagdagang 400k COVID-19 vaccines sa Pinas

China, magdo-donate pa ng karagdagang 400k COVID-19 vaccines sa Pinas

- Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ay may inaasahan siyang karagdagang supply ng bakuna laban sa COVID-19 ngayong buwan

- Ito ay 400,000 bakuna na donasyon mula sa China, na bubuo sa isang milyong vaccine shots galing sa nasabing bansa

- Tiniyak ng pangulo na walang hinihinging kapalit ang China para sa mga donasyon nito

- Sinabi rin ni Pang. Duterte na mas nagtitiwala siya sa mga bakuna galing sa China kaysa sa mga galing sa Kanluran

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Magbibigay pa ng 400,000 bakuna laban sa COVID-19 ang bansang China sa Pilipinas ngayong buwan, ayon kay Pang. Rodrigo Duterte.

China, magdo-donate pa ng karagdagang 400k COVID-19 vaccines sa Pinas
Philippine President Rodrigo Duterte and Chinese Premier Li Keqiang (Photo credit: Pool)
Source: Getty Images

Noong nakaraang linggo ay natanggap na ng Maynila ang unang supply ng mga bakuna. Ang 600,000 bakunang ito na laban sa coronavirus ay galing sa Sinovac Biotech, at donasyon ito ng Beijing.

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

Sa kanyang speech sa inagurasyon ng isang paaralan sa Valenzuela City ay ibinunyag ng pangulo na may hinihintay siyang isa pang batch ng mga bakuna sa buwan ring ito. Aabot ito ng 400,000 shots.

"I will be receiving another [batch], March. China would give us another 400 [thousand COVID-19 shots], making their donation to this country 1 million," sabi ni Duterte.

Walang sinabi ang pangulo kung sa aling brand manggagaling ang panibagong batch ng mga bakuna.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kabila ng malaking donasyon ng China ay tiniyak ni Duterte na walang hinihinging kapalit ang nasabing bansa.

Matatandaang ang COVID-19 ay nanggaling sa Wuhan, China at nakapasok sa Pilipinas ang unang kaso nito dahil sa isang turista na nanggaling sa nasabing probinsya.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na labis na naapektuhan ng COVID-19.

Read also

Ogie Diaz, nagbigay ng payo sa mga artista kaugnay sa mga blind item

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kahapon, ika-4 ng Marso, ay dumating ang 487,200 na doses ng mga bakuna na galing sa AstraZeneca sa Great Britain. Nakuha ito ng bansa sa tulong ng COVAX Facility.

Ipinaliwanag ng pangulo na mas nagtitiwala siya sa bakunang galing sa Chinese state firm na Sinopharm kay sa mga produktong galing ng Kanluran.

"Hindi masyado ako ma-ano d'yan sa mga produkto ng puti," ayon kay Duterte.

Ngunit sinabi rin niya na hindi niya pipilitin ang mga mamamayan sa brand ng bakuna na ayaw nila.

"For those of you who'd opt to take that vaccine, fine with me. Wala sa akin iyan. Others might prefer brands," sabi ng pangulo.
"The doctors are very discriminating. They're waiting for Pfizer," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Basel Manadil, ibinahagi ang CCTV footage ng pagnanakaw sa kanyang restaurant

Ang China ay isa sa mga itinuturing na malalakas na bansa hindi lang sa Asya kundi pati na rin sa buong mundo.

Sa isang naunang ulat ng KAMI ay napabalitang sinabi ng mga eksperto na baka hindi maging epektebo ang AstraZeneca vaccines kung hindi mapipigilan ng Pilipinas ang pagkalat ng South African variant ng coronavirus.

Naging trending rin kamakailan ang naging hamon ni Pang. Duterte kay VP Leni Robredo na mag-‘shopping’ ng iba’t-ibang uri ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa labas ng bansa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)