Pinay caregiver sa Canada, tinaguriang "hero nanny" sa pagligtas sa buhay ng 2 alaga
- Hinangaan ang Pinay Caregiver sa Canada matapos na maisalba ang buhay ng kanyang dalawang alaga
- Nawalan ng kontrol ang nagmamaneho ng SUV at nasapul ang caregiver habang nakaligtas ang kanyang mga alaga
- Naitulak niya kasi ito palayo kaya siya ang napuruhan ng sasakyan
- Kasalukuyan pa ring nagpapagaling ang Pinay na labis na nagpapasalamat sa natatanggap na suporta sa kababayan niyang caregiver na nagmamalasakit sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang katapangang ipinakita ni Jillian Mendoza nang magawa niyang iligtas ang buhay ng kanyang dalawang alaga.
Nalaman ng KAMI na buwis buhay ang ginawa ni Jillian na nasapul ng SUV habang naitulak papalayo ang stroller ng dalawang alaga kaya nakaligtas ang mga ito.
Ayon sa ABS-CBN News, Pebrero 24 nang dumaraan sina Jillian at kanyang mga alaga sa kahabaan ng St. Clair Ave. sa Canada nang biglang mawalan ng kontrol ang isang SUV na nagmamane-obra.
Matinding pinsala ang natamo ni Jillian na labis na ikinabahala ng kanyang pamilya sa Pilipinas.
Multiple bone fractures at head injuries ang natamo ni Jillian sa aksidente kaya naman kasalukuyan pa rin siyang nasa ospital.
Ayon sa kaibigan ni Jillian na si Raychel Buebos, hindi nila akalaing makakaligtas pa ang kaibigan sa natamong pinsala kaya naman laking pasasalamat nilang patuloy na itong nagpapagaling.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
"She's doing fine, she's recovering well, her boyfriend is beside her taking care of her," pahayag ni Raychel.
Suportado rin si Jillian mga kaibigan niya at kapwa caregiver na nagmamalasakit sa kanya para makalikom ng pondo para sa kanyang mga pangangailangan.
"Thank you everyone for the support and love, thank you, I love you, thank you for the prayers..." ang pasasalamat ni Jillian nang may ngiti pa rin sa mukha kahit nagpapagaling pa rin siya sa pagamutan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Tunay na kahanga-hanga ang mga Pinay overseas Filipino workers na di lamang kasipagan ang ipinakikita kundi ang pagmamalasakit nila sa kanilang mga employers.
Tulad na lamang ng isang OFW na bagaman papauwi na ngayong Marso sa bansa ay pinabaunan pa rin ng mamahaling alahas ng kanyang amo. Ito raw ang unang beses na nakatanggap siya ng regalo sa amo ngunit naging mabuti naman talaga ito sa kanya.
Isa rin ang kwento ng OFW na dahil sa kanyang kasipagan at katapatan, mismong ang jacket ng amo niya ang ipinasuot nito sa kanya habang ibinibili siya nito ng bago.
Ilan lamang ito sa patunay na mapagkalinga ang mga Pinoy kahit na nasa ibang bansa at sinusuklian naman ng kanilang mga amo ang kanilang kabutihan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh