Anak na naka-wheelchair at naghahanap ng trabaho, matiyagang sinasamahan ng ama
- Marami ang naantig sa kwento ng isang aplikanteng guro na naibahagi ng isang netizen mula sa Gumaca, Quezon
- Sa kabila ng kanyang edad at kapansanan, lakas-loob pa rin itong sumasabak na makahanap ng paaralan na maari niyang mabahaginan ng kanyang kaalaman
- Isa sa nagpapalakas ng kanyang loob ay ang kanyang ama na anim na taon na raw na matigayang nagtutulak ng kanyang wheelchair
- Maging ang netizen na nagbahagi ng post ay aminadong naging emosyonal sa nakaka-inspire na kwento ng teacher applicant
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng marami ang naibahaging kwento ng netizen na si Zaldy Bueno mula sa Gumaca, Quezon tungkol sa teacher applicant na pumukaw ng kanyang pansin.
Nalaman ng KAMI na naka-wheelchair umano ang aplikante na magpapa-evaluate noon kay Bueno na isa pa lang Head Teacher para makapag-apply ito bilang isang guro sa pampublikong paaralan.
Ayon sa post, 50-anyos na ang aplikanteng si Edwin Garin ng Atimonan, Quezon. Kwento pa ni Garin kay Bueno, huli na siyang nakapag-aral dahil sa aksidenteng kanyang sinapit.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Taong 2014 nang siya ay makapasok sa Alternative Learning System ng Department of Education at mula noon ay tuloy-tuloy na raw ang kanyang pag-aaral.
"Nag-college po ako sir para matupad ang pangarap ko. Nag-Education po ako at nakapasa sa LET noong 2019. Kaya sumusubok po akong mag-apply para makatulong sa magulang"
Kaya naman agad na naitanong ni Bueno kung nasaan ang mga magulang ni Garin.
"Siya po ang tatay ko. Anim na taon na po niya akong itinutulak sa wheelchair mula ng mag college ako hanggang umexam ng LET hanggang ngayong nag aaplay na ako"
Naluluha na ang aplikante habang sumasagot sa mga katanungan sa kanya kaya naman aminado si Bueno na maging siya ay hindi na rin napigilang maluha sa kwento ng buhay ni Garin na talagang kapupulutan ng inspirasyon.
Hiling ni Bueno na makapasok pa rin sa serbisyo ang aplikante at hindi lamang daw ang pagsisikap nito ang magbubunga kundi maging ang matiyagang pagtutulak ng wheelchair at di matatawarang suporta ng ama na 75-anyos na.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kahanga-hanga ang dedikasyon na ipinakita ni Edwin Garin at ng iba pang mga gurong tulad niya.
Sa panahon ngayon na sinusubok tayo ng pandemya, nakamamanghang ang tulad niya ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa at makahahanap siya ng paaralan kung saan maibabahagi niya ang kanyang kaalaman sa tulong na rin ng mapagmahal niyang ama.
Matatandang minsan na ring naibahagi ng KAMI ang kwento ni Garin noong 2019 nang kumuha siya ng kanyang Licensure Examinations for Teachers. Sinamahan at matiyagang naghintay pa rin sa kanya ang kanyang ama.
Samantala, hindi nalalayo sa kwento ni Garin ang minsan na ring nag-viral na guro na dinapuan ng Guillain-Barré syndrome na siyang naging dahilan upang siya ay maparalisa.
Sa tulong kanyang mga estudyante, naitutulak ng mga ito ang kanyang wheelchair patungo sa kanilang silid-aralan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh