73 anyos na ama, sinamahan ang anak na naka-wheelchair sa pagkuha ng LET

73 anyos na ama, sinamahan ang anak na naka-wheelchair sa pagkuha ng LET

- Viral ang larawan ng isang ama na matiyagang naghintay ng 12 oras sa anak na kumukuha ng Licensure Examination for teachers

- Isang board examinee rin ang nakapansin kay tatay "Pepe" at naikwento nitong mula pa noong first year college pa lang ang anak na nasa wheelchair ay hatid sundo na niya ito

- Labis na naantig ang mga netizens sa kwento ng mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post ng netizen na si Sheila Mae Estrañero Glor tungkol sa isang ama na matiyagang sinamahan ang kanyang anak sa pagkuha nito ng licensure exam for teachers o LET sa Lucena city, Quezon.

12 na oras daw ang LET at ganoon din daw katagal naghintay ang 73 anyos na ama sa labas ng testing room kung saan naroon ang anak na naka-wheelchair.

Ayon sa ABS-CBN news, nakilala ang ama na si Pedro "Pepe" Garin, na proud sa anak niyang kumukuha ng LET.

Kwento pa ni tatay Pepe kay Sheila, first year college pa lamang daw ito ay hatid sundo na niya ang ngayo'y 49 anyos na anak.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Halos maluha raw si Sheila sa kwento na ito ni tatay Pepe dahil kitang-kita raw niya ang pagmamahal nito sa anak.

Walang bahid ng pagkabagot habang naghihintay ito sa anak kahit pa kalahating araw na siyang nasa labas lamang ng testing room.

Kaya naman walang ibang hangad si Sheila kundi ang kabutihan sa kalagayan ng mag-ama at hinangad din niyang pumasa ang anak nito sa LET para sulit ang sakripisyo ni tatay.

Samantala, maging ang mga netizens ay naantig sa naiibang kwento na ito ng mag-ama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ayan ang Tatay handang mag sakripisyo."
"God bless you tatay!!!sana ok lagi Ang health mo."
"We'll pray po for the success of your son and also sayo po."
"I salute you tatay. Godbless the both of you po.."
"Mabuhay ka Tay...praying for ur son...nawa ay pagpalain xa ni Lord papasa po siya"

Umani ng nasa 119,000 na mga positibong reaksyon ang naturang post at naibahagi na ito ng nasa 37,000 na beses.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel