Gurong naka-wheelchair, matinding sakripisyo ang ginagawa pagpasok sa paaralan

Gurong naka-wheelchair, matinding sakripisyo ang ginagawa pagpasok sa paaralan

- Nag-viral ang post ng isang netizen na binahagi ang buhay guro ni Jun Daguio

- Sa kabila ng kanyang kapansanan, nagawa pa rin niyang pumasok araw-araw upang magbahagi ng kanyang kaalaman sa kanyang mga estudyante

- Labis na hinangaan ang guro dahil sa kanyang dedikasyon sa kanyang propesyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ni Romel Tuppil Maribbay kung saan binahagi niya ang buhay ng guro na si Jun Daguio na sa kabila ng kanyang kapansanan, nakuha pa rin niyang pumasok araw-araw para magturo sa paaralan.

Si Rommel ay kapwa guro ni sir Jun at labis lamang daw itong humanga sa tatag at determinasyon nito kahit pa siya ay paralisado na.

Makikita sa mga larawan na binahagi ni sir Rommel na araw-araw pa lang hinihila ng mga kapwa niya guro si sir Jun gamit ang lubid na nakatali sa kanyang wheelchair. Habang ang ilan naman sa kanyang mga estudyanteng lalaki ay tumutulong sa pagtutulak maiahon lamang ang guro patungo sa paaralan kung saan siya nagtuturo.

30 taong gulang na si sir Jun at walong taon na siyang nagtuturo ng Social studies sa grade 7 at grade 8.

Isang taon siyang napatigil sa pagtuturo nang dapuan siya ng Guillain-Barré syndrome dahilan para siya ay maparalisa.

Ngunit sa tindi ng kanyang dedikasyon sa propesyon, muling siyang bumangon at pinanindigan ang pagmamahal sa pagbabahagi ng edukasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa panayam ng ABS-CBN kay sir Jun, mas mahirap ang kalagayan ng kanyang mga estudyante na tumatawid pa ng ilang ilog para makapasok ng paaralan, kaya naman di na nagawa pang magreklamo ni sir Jun at nagsasakripisyo rin siya upang makapasok sa paaralan.

Nakatira sa dorm ng paaralan si sir Jun at misis na isang guro sa paaralan. Kasama rin nila roon ang kanilang mga anak. Lingguhan na lamang sila umuwi sa kaniang tahanan na limang kilometro ang layo sa paaralan.

Bukod sa pansariling kahilingan na maipagpatuloy ang pagpapagamot, nais din ng guro na mapasemento na ang daan patungong paaralan nang sa gayon ay di na mahirapan ang mga guro at estudyante sa pagpasok dito.

Samantala, maging ang mga netizens ay labis na humanga sa katatagan ng kalooban ng guro at sa pagpupursige nito sa kabila ng hirap ng kanyang kalagayan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica