Lalaking napa-upo sa sobrang gutom, nabiyayaan ng pedicab mula pa rin sa vlogger

Lalaking napa-upo sa sobrang gutom, nabiyayaan ng pedicab mula pa rin sa vlogger

- Muling nabigyan ng tulong ang lalaking nakita ng isang vlogger na napa-upo sa tindi ng gutom

- Napag-alaman ng vlogger na pangangalakal ang ikinabubuhay ng lalake kaya naisipan niya itong bigyan ng pedicab

- Halos hindi makapagsalita ang lalake at napatulala nang makita ang surpresa sa kanya ng vlogger

- Naluha ito sa labis na pagpapasalamat sa vlogger na makailang beses pa siyang binalikan upang kumustahin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na makita ng vlogger na si Denso Tambyahero ang lalaking naka-upo sa gilid ng kalsada dahil sa tindi ng gutom, binalik-balikan na niya ito para matulungan.

Nalaman ng KAMI na makailang beses nang kinumusta ni Denso ang lalaki na nakilala niyang si Tatay Robin.

Nang minsan niya itong dalawin sa kanilang bahay upang muling maabutan ng tulong, nalaman niyang dumaraan pala sa matinding depresyon si Tatay Robin.

Read also

Ivana Alawi, naantig ang puso at napaiyak sa kabaitan ng mga Pinoy sa kanyang prank

Lalaking napa-upo sa sobrang gutom, nabiyayaan ng pedicab mula pa rin sa vlogger
Photo credit: Denso Tambyahero
Source: UGC

At upang maaliw ang sarili, lumalabas ito at nangangalakal ng mga karton.

Maaalalang noong una siyang nakita ni Denso sa gilid ng kalsada na nahihilo at gutom na gutom, may dala na siya noong mga karton na kanyang na-ipon para sana kanyang maibenta.

Dahil dito, bukod sa mga naunang tulong na naibigay na ng vlogger kay Tatay Robin tulad ng mga groceries at tulong pinansyal, naisipan din niyang bilhan ito ng pedicab.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Malaking tulong ito sa pag-iipon ni Tatay Robin ng kanyang mga karton na pwedeng ikalakal.

Nang ipakita na ni Denso kay Tatay Robin ang surpresa, tila natulala ito at halos hindi makapaniwala.

Hindi rin nito napigilang maluha sa biyaya na muli niyang natanggap mula sa vlogger na patuloy siyang tinutulungan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ina, ibinahagi ang nakakaantig na ginawa ng mga motorista maisalba lang ang buhay ng anak

Si Denso Tambyahero ay isang YouTube content creator na kilala sa mga videos niya nagpapakita ng pagtulong sa kapwa nating hikahos sa buhay.

Naka-motor si Denso at tumutulong talaga sa mga nadaraanan niyang taong pansin niyang labis na nangangailangan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nabigyan niya ng maagang pamasko ang isang unan vendor na naglalako mula probinsya ng Rizal hanggang sa Makati City nang naglalakad.

Gayundin ang isang ama na inabutan na ng ulan sa pangangalakal dahil wala na umanong makain ang kanyang pamilya. Binigyan ni Denso ito ng bigas at perang panggastos sa mga susunod na araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica