Super Tekla, naiyak dahil sa prank ng mga kaibigan at anak na si Aira

Super Tekla, naiyak dahil sa prank ng mga kaibigan at anak na si Aira

- Para sa kauna-unahang prank nila sa bahay nilang tinawag nilang House of Tandem, naisipang i-prank nina Super Tekla at Donita Nose si Aira

- Si Aira ang panganay na anak ni Tekla sa dati niyang karelasyon at inaanak din ito ni Donita Nose

- Lingid sa kaalaman ni Tekla, siya pa ang na-prank matapos magkunwari si Aira na umiiyak at gusto nang umuwi sa probinsiya

- Dahil sa kanyang narinig mula sa anak, napaiyak na rin si Tekla dahil nasaktan umano siya lalo at hindi niya napapagalitan ang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi inakala ni Super Tekla na siya pala ang maiiyak sa pinagplanuhan nilang prank ng kaibigang si Donita Nose.

Sa pagkakaalam ni Tekla, ang anak niyang si Aira ang kanilang i-pa-prank. Lingid sa kanyang kaalaman, kinausap pala ito ni Donita para baliktarin ang prank.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Naroroon din ang kanilang kaibigang sina Chad Kinis, Lassy at MC ng Beks Battalion bilang magsilbing tagatikim kunwari ng niluto ni Aira na hotcake.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbigay sila ng komento sa niluto ni Aira at sinadya nilang hindi maganda ang i-komento para kunwari ay masasaktan si Aira.

Kasunod ng pangaral ni Tekla sa anak, agad itong pumunta sa silid at umiyak sabay a sa mommy niya at nagpapasundo na.

Dito na sinubukang patahanin ni Tekla si Aira at sinabi nitong prank lang ang kanilang panlalait sa kanyang luto.

Super Tekla, naiyak dahil sa prank ng mga kaibigan at anak na si Aira
Photo from SuperTeklah Librada
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi naman nagpatinag si Aira at yumakap siya kay Donita habang umiiyak. Hindi maitago sa mukha ni Tekla ang kanyang emosyon na nasaktan niya ang anak.

Read also

Sharon Cuneta, natangayan ng P500,000 ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan

Nang sabihin na ni Aira na prank lang din iyon sa ama, napaupo na lamang si Tekla at hindi na niya napigilang maiyak.

Samantala, puring-puri ng Beks Battalion at ni Donita ang ginawang acting ni Aira dahil maging sila ay nadala sa pag-iyak nito.

Maging ang mga netizens ay di mapigilang humanga sa talento ng anak ni Tekla dahil maging sila umano ay naiyak kahit alam na nilang prank lang ang lahat ng kanilang pinakita.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Matatandaang matapos magsalita ng ilang tao na malapit kay Tekla tungkol sa akusasyon ng dating kinakasama, naglabas ng kanyang panig ang komedyante. Pinasinungalingan nito ang paratang ni Michelle.

Read also

Piolo Pascual, ipinasilip ang kanyang simpleng "buhay probinsiya"

Naibahagi rin ni Super Tekla ang kaganapan sa binyag ng anak niyang si Baby Angelo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel