Mariel Padilla, pinayagan nang umuwi ang mga kasambahay sa kanilang pamilya

Mariel Padilla, pinayagan nang umuwi ang mga kasambahay sa kanilang pamilya

- Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang magpatupad ng mga lockdowns, pinayagan ni Mariel Padilla ang mga kasambahay na umuwi sa kanilang pamilya

- Malapit lamang ang kani-kanilang pamilya dahil mismong ang mag-asawang Mariel at Robin Padilla ang nagpagawa ng mga bahay

- Ito ay para umano hindi na mag-alala masyado ang kanilang mga kasama sa bahay at malapit lang ang kanilang pamilya

- Ipinasilip din ni Mariel ang mga bahay ng mga ito at ang mga gamit na kanilang naipundar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang halos isang taon, pinayagan na ni Mariel Padilla ang kanilang mga kasambahay na makauwi sa kani-kanilang pamilya.

Matatandaang nauna nang naibahagi ni Mariel na naghigpit sila pagdating sa kaligtasan nila sa bahay lalo na nang magkaroon ng pandemya.

Mariel Padilla, pinayagan nang umuwi ang mga kasambahay sa kanilang pamilya
Mariel Padilla (@marielpadilla)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ama na bitbit ang anak sa pagtatrabaho, natulungan ng napadaang vlogger

Maging siya ay matagal ding hindi nakalabas sa kanilang bahay dahil gusto umano niyang masigurado ang kaligtasan ng kanilang pamilya.

Kaya naman, masayang-masaya ang mga kasambahay nila nang payagan na silang umuwi sa kanilang mga pamilya na nakatira malapit lang dahil mismong ang mag-asawang Robin at Mariel ang nagpagawa ng bahay na matitirhan nila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Mariel mismo ang naghatid sa mga ito at ipinasilip niya sa mga manonood ang mga bahay nila pati ang mga gamit na naipundar ng mga ito habang nagtatrabaho sa pamilyang Padilla.

Samantala, marami ang humanga sa kabaitan ng mag-asawa sa kanilang mga kasambahay.

Tunay na may malasakit sa mga taong nakapaligid sakanila. They really treat them as an extended family. God bless you Mariel and Robin.
Bait nilang mag asawa nasa isang compound Lang ang kanilang mga kasamahan sa bahay.

Read also

Mga sanggol sa "baby switching" ng KMJS, nasa totoo na nilang mga magulang

Nakakatuwa na nasa isang compound lang kayo ng mga kasambahay mo. May the Almighty bless your good heart.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel