Dimples Romana nag-agree na ‘swerte’ si Coco Martin kay Julia Montes

Dimples Romana nag-agree na ‘swerte’ si Coco Martin kay Julia Montes

- Usap-usapan ang pag-‘heart react’ ni Dimples Romana sa isang comment patungkol sa pagiging swerte raw ni Coco Martin kay Julia Montes

- Ang nasabing komento ay sa YouTube vlog niya kung saan ay kasama niya si Julia sa isang bonding-chikahan

- Tila may ipinapahiwatig ang magaling na aktres tungkol sa totoong estado ng relasyon nina Coco at Julia

- Matatandaang hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung mayroon nga bang relasyon ang dalawang Kapamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging makahulugan ang pag-heart react ni Dimples Romana sa isang comment sa kanyang vlog na nagsasabing maswerte raw si Coco Martin kay Julia Montes.

Dimples Romana nag-agree na ‘swerte’ si Coco Martin kay Julia Montes
Dimples Romana (Photo credit: @dimplesromana)
Source: Instagram

Noong nakaraang linggo ay nakipag-collab si Dimples kay Julia para sa kanyang YouTube vlog.

Matatandaang una silang nagkatrabaho sa remake ng “Mara Clara”, kung saan ay gumanap si Julia bilang Clara, at si Dimples naman ay ang kanyang mommy na si Alvira Del Valle.

Read also

TNT contestant, nag-sorry dahil sa pakiki-#YesToAbsCbnShutdown niya noon

Marami ang natuwa sa paglabas ng vlog, lalo na ang mga fans ni Julia na matagal nang hinihintay ang kanyang pagbabalik-telebisyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa sa mga comments na nakatawag ng atensyon ng mga netizens ay ang sinabi ni Lee Cordero tungkol kay Coco.

“Swerte ni Coco.” comment nito.

Namangha ang mga netizens dahil sa ni-like ito mismo ni Dimples. Makikitang nag-heart react ang batikang aktres sa nasabing comment na tila nagpapahiwatig ng tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Coco at Julia.

Dimples Romana nag-agree na ‘swerte’ si Coco Martin kay Julia Montes

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang si Julia ay naging bahagi rin kamaikailan ng vlog ng asawa ni Dimple na si Boyet Ahmee. Dito ay sumalang siya sa lie detector challenge.

Sa YouTube vlog na iyon ay pinakilig ni Julia ang mga fans nila ni Coco dahil sa nagpahiwatig ito na ang dramatic-action star ang kanyang ideal man.

Read also

Kahit tumanggi na! Mayor Sara Duterte, nanguna pa rin sa presidential survey

Ilan sa mga katangian ng tipong lalaki ni Julia ay mahilig sa leather jacket, moreno, sakto lang ang taas, makata, at higit sa lahat ay ‘probinsyano’.

Sina Julia at Coco ay unang nagkatrabaho sa top-rating primetime series ng ABS-CBN na “Walang Hanggan” noong 2012. Sinundan ito ng isang pelikula, ang “A Moment in Time”.

Matagal nang may haka-haka na may relasyon umano ang dalawa. Subalit hanggang ngayon ay hindi nila ito kinukumpirma. May mga nagsasabi rin na engaged na umano ang dalawa.

Noong April 2019 ay kumalat rin ang balita na nanganak si Julia sa anak nila ni Coco. Ngunit hanggang ngayon ay nanatiling tahimik ang dalawa sa nasabing isyu.

At dahil nga sa mga vlogs nina Dimple at ng asawa nito ay muling napapag-usapan ang tungkol sa mga isyung ito kina Julia at Coco.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

RK Bagatsing, Jane Oineza, mukhang magkasama sa Laguna getaway

Si Dimples Romana ay isang Kapamilya actress na naging bahagi ng maraming sikat na palabas ng ABS-CBN. Kabilang na nga rito ang “Mara Clara”, “Agua Bendita”, “Bagani”, at ang “Kadenang Ginto” na nagpasikat sa kanyang role na Daniela Mondragon-Bartolome.

Sa naunang ulat ng KAMI ay naitampok ang tungkol sa pinakaunang reward ni Julia sa kanyang sarili pagkatapos niyang makuha ang role ng Clara sa “Mara Clara”.

Naging usap-usapan din kamakailan ang tungkol sa post ni Julia para sa taong sinasabi niyang ‘by her side’ kung kaya ay hindi raw siya natatakot sa bukas.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel