Kahit tumanggi na! Mayor Sara Duterte, nanguna pa rin sa presidential survey
- Sa kabila ng ilang beses na pagtanggi, nanguna pa rin si Mayor Sara Duterte sa isang presidential survey
- Ngunit ayon sa alkalde ay hindi na magbabago ang kanyang desisyon batay sa isang panayam dito
- Ganunpaman, nagpapasalamat pa rin si Mayor Sara sa kanyang mga taga-suporta
- Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabing ayaw niyang tumakbo ang anak sa pagka-presidente
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kabila ng ilang beses na pagtanggi, nanguna pa rin si Davao City Mayor Sara Duterte sa isang presidential survey.
Ito ay base sa isinagawang research ng OCTA Research noong Enero 26-Pebrero 1, 2021 sa 1,200 respondents edad 18 pataas.
Sa isa pang report ng KAMI, nauna nang sinabi ni Mayor Sara na hindi na magbabago ang kanyang desisyon sa pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.
"Naghatag na man ko sa akoang comment about it and wala man sya naga-change. Tingali siguro ang mga tao, because wala koy ginahatag na rason kung nganong dili ko gusto modagan pagkapangulo, sa ilahang tan-aw siguro there is this chance nga tingali magbag-o akoang huna-huna or wala ko nagsulti og tinood.”
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
(Nagbigay na ako ng komento tungkol diyan. Hindi iyon nagbago. Siguro dahil hindi ako nagbibigay ng dahilan kung bakit ayaw kung tumakbo sa pagka-Presidente ay inaakala ng mga tao na baka magbago pa ang isip ko o nagsisinungaling lang ako.)
Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabing ayaw niyang tumakbo ang anak sa pagka-presidente.
Sa isang pahayag, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi raw pambabae ang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Ganunpaman, nagpapasalamat pa rin si Mayor Sara sa kanyang mga taga-suporta dahil sa pagtitiwala ng mga ito sa kanila.
Samantala, si Senator Manny Pacquiao naman ang nanguna sa senatorial survey ng OCTA.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Sara Duterte ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dating nag-viral si Mayor Sara dahil sa pagsuntok niya sa mukha ng isang court sheriff noon.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh