Alessandra de Rossi, nagprisintang maging surrogate para sa ate niya

Alessandra de Rossi, nagprisintang maging surrogate para sa ate niya

- Ibinahagi ni Alessandra de Rossi na isa siya sa pinakamasaya sa pagkakaroon ng anak ng kanyang ate na si Assunta de Rossi

- Bago pa umano nabuntis si Assunta, nadismaya ito na hindi nagiging matagumpay ang IVF procedure na ginawa nila

- Bahagi ni Alessandra na kilala din sa tawag na Alex, nagprisinta pa umano siya sa ate niya na siya na lang ang mag-surrogate mother para sa kanya

- Seryoso daw siya sa kanyang alok na maging surrogate mother nang libre ngunit tinawanan lang daw siya ni Assunta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinunyag ni Alessandra de Rossi na handa siyang maging surrogate mother para sa anak ng kapatid niyang si Assunta de Rossi. Sa katunayan ay inalok niya umano ito noong hindi pa nabubuntis ang kapatid.

Sa kanyang panayam sa programang “I Feel U," ibinunyag niyang nagprisinta siya sa ate niya matapos hindi naging matagumpay ang IVF procedure ng mag-asawang Assunta at Jules Ledesma.

Mayor Sara Duterte nanindigang hindi tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022
Alessandra de Rossi, nagprisintang maging surrogate para sa ate niya

Alessandra de Rossi (@msderossi)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Nung nagpa-IVF siya tapos hindi nag-work, may dalawa pa siyang eggs na natitira. Tapos sabi niya, ‘Ayaw ko na siya pagdaanan. Ayaw ko na pagdaanan y'ung feeling.’ Sabi ko, ‘Gusto mo ba ako ang magdala? Wala din naman akong direksyon sa buhay,’” ani Alex.

Dagdag pa ng aktres, handa siyang gawin iyon ng libre para sa kapatid ngunit tinawanan lamang siya umano nito.

Kwento pa niya isa siya sa pinakaunang nakaalam tungkol sa pagbubuntis ni Assunta at tuwang- tuwa umano siya. Gayunpaman, hiniling ng kapatid niya na huwag muna niyang ipaalam ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Naiyak si Alex nang makita niya ang picture ni Assunta na hawak ang anak sa unang pagkakataon.

Rhian Ramos, naglabas ng saloobin hinggil sa body shaming comments sa kanya

“Umiyak ako nung pinadala sa akin 'yung photo na kakalabas lang niya ng delivery room tapos hawak 'yung baby. Totoo na ba ito? Totoo na nga! Send to all talaga. Doon ako naging emotional,” pagbababahagi niya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Assunta De Rossi ay isang Filipina-Italian na aktres sa telebisyon at pelikula. Kagaya ng kanyang kapatid na si Alessandra De Rossi, ginawaran na rin siya ng Best Actress award sa Metro Manila Film Festival.

Marami ang natuwa para kay Assunta at sa asawa nito na magkakaroon na sila ng anak. Palaging nagbabahagi ng update si Assunta tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Maging ang kapatid niyang si Alessandra ay hindi rin maitago ang galak at excitement na makita na ang pamangkin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel