Assunta de Rossi, hindi maitago ang excitement na masilayan ang kanyang miracle baby

Assunta de Rossi, hindi maitago ang excitement na masilayan ang kanyang miracle baby

- Hindi maitago ni Assunta de Rossi ang kanyang excitement na makita na ang kanyang miracle baby

- Isang update ang kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account tungkol sa kanyang pagbubuntis

- Kasalukuyang nasa ika-9 na buwan na ang pinagbubuntis ni Assunta at babae ang kanyang dinadala

- Tinuturing nilang miracle baby si Fiore dahil sa tagal ng panahon bago nabuntis ang dating aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nagbahagi ng update si Assunta de Rosssi tungkol sa kanyang pagbubuntis. Hindi niya maitago ang kanyang excitement lalo at malapit na siya manganak.

“Another check-up today. Si Fiore as usual, nagtatago na naman. Naku, maldita!” ani Assunta sa isang Instagram post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Siyam na buwan na ang kanyang tiyan at handa umano siyang maghintay sa tamang panahon na lalabas na ang kanyang anak na pinangalanang Fiore.

Flight Attendant na nakilala sa kanyang tiktok videos, natanggal sa trabaho

“It’s OK. Pretty soon, I’ll see her face-to-face. I’ve waited for her almost 20 years, ano ba naman yung ilang araw pa? I love you, my tiny bloom!” aniya.

Matatandaang nitong Mayo ng kasalukuyang taon, ibinahagi ni Assunta na siya ay buntis sa unang pagkakataon sa loob ng 16 na taong pagsasama nila ng asawang si Jules Ledesma.

“On March 5, 2020, I paid a visit to my OB-GYN after not seeing him for 3 plus years. Why? I had missed my period. An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant,” pagbabalita niya.

“I know, shocking! Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult,” dagdag pa ng aktres.

Tinuring niyang himala na nabuntis siya dahil sa tagal na rin ng kanilang paghihintay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kim Chiu, ibinahagi ang masayang bonding moment kasama ang kapatid at pamangkin
Assunta de Rossi, hindi maitago ang excitement na masilayan ang kanyang miracle baby

Assunta de Rossi (Photo from Getty)
Source: Getty Images

Si Assunta De Rossi ay isang Filipina-Italian na aktres sa telebisyon at pelikula. Kagaya ng kanyang kapatid na si Alessandra De Rossi, ginawaran na rin siya ng Best Actress award sa Metro Manila Film Festival.

Marami ang natuwa para kay Assunta at sa asawa nito na magkakaroon na sila ng anak. Palaging nagbabahagi ng update si Assunta tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Maging ang kapatid niyang si Alessandra ay hindi rin maitago ang galak at excitement na makita na ang pamangkin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel