Willie Revillame, nagalak sa caller na nagsabing pinanood siya nito sa channel 4

Willie Revillame, nagalak sa caller na nagsabing pinanood siya nito sa channel 4

-Tuwang-tuwa si Willie Revillame sa isa sa mga caller ng kanyang programang "Wowowin"

-Sa segment na "Tutok to Win", isang babaeng caller mula sa Samal Island ang maswerteng natawagan ni Kuya Wil

-Anito, matagal nang paborito ng kanilang pamilya ang sikat na host at palaging pinapanood sa "channel 4"

-Nagulat man noong una, napagtanto naman ni Kuya Wil na nasa channel 4 ang Kapuso network sa Samal Island

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naaliw ang batikang host na si Willie Revillame sa isa sa mga caller sa kanyang programang Wowowin sa GMA 7.

Sa segment nito na "Tutok to Win" noong February 17, isang babae mula sa Samal Island ang maswerteng natawagan ng sikat na host.

Ayon sa babae ay matagal nang paborito ng kanilang pamilya si Kuya Wil. Kwento pa nito ay palagi nila itong pinapanood sa "channel 4".

Read also

Ina ni Bea Alonzo, nakiuso kaya "Phylbert Angelli" ang ipinangalan sa aktres

Willie Revillame, nagalak sa caller na nagsabing pinanood siya nito sa channel 4
Photo. Screen grab from Wowowin
Source: Facebook

Nagulat man noong una ay napagtanto rin ni Kuya Wil na sa channel 4 napapanood ang Kapuso network sa Samal.

"Noon pa pinapanood na po kita nung sa channel 4 ka pa po," sabi ng caller.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Channel 4? Salamat ha? Iba 'yun Tutok Erwin 'yun. Channel 4, salamat, salamat naman. Kasi ang alam ko, hindi ako nagka-programa sa channel 4," biro naman ni Kuya Wil.

"Ah... kasi sa Samal, channel 4. Ay tama naman. Dito kasi... thank you, salamat. Sorry nagkamali ako," bawi naman ni Kuya Wil. "Tama, channel 4 sa Samal ang GMA."

Matapos nito ay bahagya pang nakipagkulitan si Wil sa caller. Maya-maya pa'y masayang inanunsiyo nito ang napanalunan ng caller. 30,000 cash at isang tablet para raw sa pag-aaral ng anak nito.

Masayang-masaya naman ang caller sa premyong kanyang natanggap at maging ang anak nito ay masaya rin.

Read also

Kulitan nina Joshua Garcia at Kim Chiu sa ASAP, kinaaliwan ng netizens

May magagamit na raw kasi ito para sa kanyang online class.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, hindi naman napigilan ni Kuya Wil ang mag-react nang sabihin ni Donita Nose na nangangamusta ang dati nitong co-host na si Tekla.

Naging kontrobersyal naman ang relasyon ng anak ni Wil na si Meryll Soriano sa aktor na si Joem Bascon. Kamakailan lang masayang ibinahagi ng mga ito na nakilala na ng sikat na host ang kanilang baby.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel