Ina ni Bea Alonzo, nakiuso kaya "Phylbert Angelli" ang ipinangalan sa aktres

Ina ni Bea Alonzo, nakiuso kaya "Phylbert Angelli" ang ipinangalan sa aktres

- Ibinahagi ng ina ni Bea Alonzo ang kwento kung bakit niya napangalanan ng "Phylbert Angelli" ang aktres

- Sa isang episode ng vlog ni Bea sa kanyang YouTube channel ay masayang nakipagkulitan sa kanya ang kanyang ina

- Ipinasilip din sa naturang vlog ni Bea ang farm nila at buong pagmamalaki niyang sinabi na ang mismong mama niya ang nagtanim at nagpalago sa kanilang farm

- Game na game din ang ina ni Bea sa "jojowain o totropahin" challenge ng aktres sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang nakipagkulitan ang ina ni Bea Alonzo na si Mama Mary Ann sa episode ng kanyang vlog na "Q&A + jojowain O totropahin with my mom."

Nalaman ng KAMI na isa sa mga naitanong sa ina ni Bea ay kung bakit sa dinami-rami ng pangalan ay "Phylbert Angelli" ang napiling ipangalan niya sa aktres.

Batang naglalako ng ice candy, hinangaan dahil sa regalong handog para sa ina

Marami na rin kasing netizens ang naiintriga lalo na at tila panlalaking pangalan ang "Phybert" na hindi naman mababakas sa mala-anghel na mukha ni Bea.

Ina ni Bea Alonzo, ikinuwento kung bakit "Phylbert Angelli" ang ipinangalan sa aktres

Bea Alonzo (Photo credit: @bealonzo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Paliwanag ni Mama Mary Ann, nagkausuhan daw noon ang pagpapangalan ng panlalake sa mga babae.

Kaya pala "Phylbert" ang isa sa mga pangalan ni Bea Habang ang "Angelli" naman ay mula sa kanyang paboritong aktres na si Gelli De Belen.

Mula sa Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom na tunay niyang pangalan, "Bea Alonzo" ang screenname ng aktres na ngayo'y kilala sa dami ng magagandang pelikula na nagawa.

Samantala, bahagi rin ng naturang vlog ang pagpapasilip ni Bea ng farm na pinaghirapang pangalagaan at palaguin ng kanyang ina.

Game na game din si Mama MaryAnn sa pagsagot sa "jojowain o totropahin challenge" na bahagi pa rin ng Q&A sa kanya.

Law student, masaya sa 8 law books na Valentine's gift ng kanyang nobyo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Bea Alonzo ay isa sa mga sikat na Kapamilya actress. Dahil sa husay niya sa kanyang pag-arte, nakagawa siya ng ilang mga pelikula na talagang tumatak na sa puso ng mga Pilipino.

Nito lamang nakaraang taon, pinasok na rin niya ang pagiging isang YouTuber kung saan mabilis na nagba-viral ang kanyang mga videos tulad ng “Never Have I Ever Challenge” kung saan nakasama niya si Angel Locsin at ang makulit na collaboration niya kasama ang kilala ring YouTuber na si Mimiyuuuh.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel