Dating senador Bongbong Marcos kumpirmadong tatakbo sa 2022 Elections
- Kumpirmado ng kampo ni dating senador Bongbong Marcos ang kanyang pagtakbo muli sa halalan 2022
- Ito ay inanunsyo mismo ni Atty. Vic Rodriguez, ang spokesperson ng dating senador, sa interviews
- Ngunit sa ngayon ay wala pang anunsyo mula sa kampo kung anong posisyon ang tatakbuhan ni Marcos
- Ang balitang ito ay inalabas matapos ibasura ng Korte Suprema ang protestang inihain ni Marcos laban kay Bise Presidente Leni Robredo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Siguradong tatakbo muli si Bongbong Marcos sa darating na eleksyon sa taong 2022, pero wala pang detalye kung anong posisyon ang gusto niyang pasukin.
Kinumpirma ng kampo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Miyerkules, ika-17 ng Pebrero, na tatakbo siya sa 2022 National Elections. ‘Yan ang inanunsyo ni Atty. Vic Rodriguez sa panayam niya sa ANC.
“He will be definitely running for 2022,” sabi ni Rodriguez.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Pero hindi naman tinukoy ng abogado kung anong eksaktong posisyon ang tatakbuhan nito.
Sa panayam naman niya sa CNN Philippines ay sinabi ng abogado na ia-anunsyo nila ang mga plano ng dating senador tungkol sa darating na eleksyon sa 2022.
“We will be making an announcement as to his plans for 2022,”
Itong kumpirmasyon ay lumabas matapos ang araw kung saan ibinasura ng Korte Suprema ang protestang inihain ni Marcos laban kay Bise Presidente Leni Robredo sa resulta ng halalan 2016.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sinabi ni Brian Hosaka, ang spokesperson ng Korte Suprema, na unanimous vote ang naging desisyon ng korte sa naging protesta ni Marcos, kung saan halos limang taon itong pinagdiskusyunan sa korte simula nang maihain ito noong Hunyo 19, 2016.
Dahil sa pagbasura rito ay ibinasura rin ng Korte Suprema ang protesta ni Bise Presidente Leni Robredo laban naman kay dating Senador Bongbong Marcos.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Bongbong Marcos ay isang dating senador ng Pilipinas. Siya ay anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos at Imelda Romualdez-Marcos. Tumakbo siya sa pagka-bise presidente noong 2016 ngunit natalo siya ni Leni Robredo.
Sa naunang report ng KAMI News ay iniulat ang sari-saring reaksyon ng mga celebrities sa pagbasura ng Korte Suprema sa reklamo ni Marcos laban kay Robredo.
Isa sa mga nag-react sa balita ay ang Kapamilya actor na si Enchong Dee na kilalang kontra-administrasyon. Ilang raw ang nakakaraan ay nagbigay rin siya ng reaksyon sa pahayag ng pangulo na pipigilan niya pa rin na makakuha ng prangkisa ang ABS-CBN.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh