Bea Alonzo itinangging may bagong sitcom kasama si John Lloyd Cruz

Bea Alonzo itinangging may bagong sitcom kasama si John Lloyd Cruz

- Hindi pala totoo ang bali-balitang may paparating na sitcom si Bea Alonzo kasama si John Lloyd Cruz

- Itinanggi ito mismo ng bagong manager ni Bea na si Shirley Kuan at nilinaw niya na abala ang aktres sa bagong pelikula nito kasama si Alden Richards

- Ang pelikulang ito ay ang Filipino adaptation ng 2004 Korean film hit na “A Moment to Remember”

- Sinabi ni Bea na humingi muna siya ng basbas mula sa ABS-CBN bago niya tinanggap ang proyekto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nilinaw ng kampo ni Bea Alonzo na wala siyang television show sa ngayon kahit may mga balitang kumakalat na magkakaroon siya ng sitcom kasama ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Bea Alonzo itinangging may bagong sitcom kasama si John Lloyd Cruz

Bea Alonzo (Photo credit: @beaalonzo)
Source: Instagram

Kinumpirma ng bagong manager ni Bea na si Shirley Kuan na sa ngayon ay walang mangyayaring sitcom kasama si John Lloyd. Ito ay sa kabila ng usap-usapang may reunion team-up sitcom ito sa TV5, sa ilalim ng Brightlight Productions.

Bea Alonzo may nasampal na aktor dahil sa minaliit ang kanyang pagkababae

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nilinaw din ni Kuan na naghahanda sa ngayon si Bea sa darating niyang bagong movie kasama si Alden Richards. Ito ay ang Filipino adaptation ng 2004 Korean film hit na “A Moment to Remember”.

Ang direktor ng nasabing pelikula ay si Nuel Naval, at ang istorya nito ay umiikot sa magkasintahang lumalaban sa Alzheimer’s disease.

Idinagdag din ni Kuan na ang reunion project nina Bea at John Lloyd ay mangyayari pagkatapos ng Bea-Alden shoot.

Sa nakaraang panayam ng ABS-CBN News Interview ay sinabi ni Kuan na nananatili pa ring nakatuon si Bea sa reunion film nila ni John Lloyd Cruz.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sinabi rin ni Bea sa kanyang isa pang panayam sa PEP kung gaano siya nagpapasalamat sa ABS-CBN sa pagpapahintulot sa proyekto niya kasama si Alden Richards.

BF, masayang napagtapos ng kolehiyo ang pinakamamahal na nobya

Sinabi rin ni Bea na hiningi niya ang blessing ni ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak bago niya tinanggap ang proyekto.

“Even before we said yes to doing a project with Alden, nagkaroon kami ng courtesy to tell them first before we even agree,” sabi ni Bea.

Ipinaliwanag ng aktres na ayaw niyang i-bypass ang Kapamilya network sapagkat inalagaan at hinulma siya nito na maging magaling na aktres sa loob ng dalawang dekada.

Sa ngayon ay naghahanda na ang aktres para sa shooting ng pelikulang “A Moment to Remember”.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bea Alonzo ay isa sa mga sikat na Kapamilya actress, hindi lang dahil sa kanyang taglay na ganda kundi dahil na rin sa pagiging magaling niyang artista.

Sa kanyang vlog nitong huli ay ibinunyag ni Bea na minsan na siyang may nasampal na aktor dahil sa panghahamak sa kanyang pagkababae. Ang vlog na ito ay ang trending na “Never Have I Ever Challenge” niya kasama si Angel Locsin.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel