Bea Alonzo may nasampal na aktor dahil sa minaliit ang kanyang pagkababae

Bea Alonzo may nasampal na aktor dahil sa minaliit ang kanyang pagkababae

- Sa YouTube vlog ay naglaro sina Bea Alonzo at Angel Locsin ng “Never Have I Ever” game

- Dito ay naibunyag na nagawa na niyang makasampal ng isang tao sa totoong buhay

- Isa raw itong aktor na kanyang nakatrabaho at nabastos siya dahil sa sinabi nito

- Ayon kay Bea ay pakiramdam niya ay minaliit ng nasabing aktor ang kanyang pagkababae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ni Bea Alonzo na nagawa na niyang makasampal ng isang tao sa totoong buhay, at isa itong aktor na nakatrabaho niya dati.

Bea Alonzo may nasampal na aktor dahil sa minaliit ang kanyang pagkababae

Bea Alonzo (Photo credit: @beaalonzo)
Source: Instagram

Naglaro si Bea Alonzo at Angel Locsin ng “Never Have I Ever” sa vlog ni Bea sa kanyang YouTube Channel kung saan sasagutin nila ng tapat ang lahat ng mga itatanong sa kanila.

Ang isang tanong kay Bea ay: “Slapped someone in real life.”

Sinagot naman agad ni Bea na may nasampal na nga siya at sa set pa ng isang proyekto pa nila. Idinitalye niya na hinila niya sa kabilang kwarto ang aktor at nasampal niya ito dahil may nasabi itong parang nakaka-apak ng pagkababae niya.

LizQuen ibinahagi na respeto ang sekreto ng kanilang matatag na relasyon
“I have. Sa set pa.
"Pinull ko siya sa other room, ‘tapos na-slap ko siya.
“Kasi may sinabi siya sa akin na medyo… talagang nayurakan ang pagkababae ko.”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi raw pinagsisisihan ni Bea ang ginawa niyang iyon. Nalaman rin daw ng ibang tao sa set ang nangyari.

“So, na-chika sa buong set. Pero okay lang.
"They didn’t take it against me, kasi nga, alam din nila yung nangyayari." sabi ni Bea.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isang virtual interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa kanya ay nilinaw ng Kapamilya actress ang pangyayari.

Ayon sa kanya ay nabastos siya sa sinabi ng aktor na iyon.

“May nasabi siya tungkol sa pagiging babae ko.
"Hindi siya anything sensual or hindi siya ano, ah...
Mister, nakilala ang misis dahil sa cellphone number na nakasulat sa ₱20
“Parang feeling ko minamaliit niya yung pagkababae ko. So, nasampal ko siya.
"Parang empowered woman tayo dapat.”

Hindi pinangalanan ni Bea ang aktor na ito, pero nagpaalala siya na hindi dapat maliitin ang isang tao dahil sa kanyang kasarian.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bea Alonzo ay isa sa mga hinahangaang aktres sa henerasyon na ito, hindi lang dahil sa kanyang angking ganda kundi dahil sa galing rin nito sa pag-arte.

Sa isang naunang ulat ng KAMI ay pinakilig ni Bea ang netizens nang mabuking sa vlog ni Enchong Dee na si Dominic Roque ang kanyang huling katawagan.

Kahit hindi aminin nina Bea at Dominic ay halatang may espesyal na ugnayan ang dalawa. Minsan pa silang nag-trending nang mag-post sila ng magkaibang larawan na halatang kinunan sa isang lugar lang.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel