Chinese Drama na nagkomento tungkol sa "Filipino maid", tanggal na sa ere
- Sa isang episode ng naturang Chinese Drama, nilarawan ng lalaking karakter ang kanyang kasama na mukha umanong "Filipino maid"
- Humingi na ng dispensa ang streaming platform at sinabing "offending" nga ang naturang scene
- Pina-edit at pinatanggal na rin nila agad ang kontorbersyal na scene, isang araw mula nang mag-trending ang post ng isang Pinoy
- Subalit makalipas ang ilang araw, tuluyan nang pinatanggal ng streaming platform ang naturang Chinese Drama
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tuluyan nang tinanggal ng isang streaming platform ang kontrobersyal na Chinese Drama na "Make my Heart Smile."
Ito ay matapos na umalma ng mga Pilipino na nakapanood ng isang episode nito kung saan ginamit umanong pang-insulto ang mga "Filipino maid."
Nalaman ng KAMI na Pebrero 9 nang mai-post ng isang Pinoy sa Twitter ang screenshot ng naturang episode kung saan nilarawan ng karakter na lalaki ang kanyang kasamang babae na mukha umanong "Filipino maid."
Kinabukasan, agad na naglabas ng pahayag ang iQIYI Philippines, ang streaming platform kung saan mapapanood ang Chinese Drama.
Agad daw nilang pinatanggal ang kontrobersyal na scene at aminado silang ito ay "offending"
"It has come to our attention that there is an offending scene in the show “Make my Heart Smile.” This is not ok and we have edited the scene out. We are sorry," ayon sa post.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Subalit makalipas ang dalawang araw, agad ding tinaggal sa naturang streaming platform ang naturang Chinese drama.
Ang "Make My Heart Smile" ay isang Chinese drama tungkol sa mga college students na naging magkakaibigan at kalaunan ay nahulog ang loob sa isa't isa.
Patok sana sa mga Pinoy ang mga ganitong klaseng drama subalit nasira umano dahil sa isang linya sa unang episode pa naman ng palabas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, isa ang mga OFW sa grupo ng mga Pilipino na binibigyang respeto at pagmamahal ng ating mga kababayan dahil sa hirap at sakripisyo nila sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Nakatutuwang isipin na bagaman at namamaliit sa paningin ng iba, pinatutunayan naman nilang sila ay may naipupundar at may nararating dala ng kanilang hindi matawarang determinasyon na mailagay sa ayos ang kanilang buhay.
Marami nang mga OFW ang nakapagpundar ng mga bahay, lupa at sariling negosyo at napirmi na sa bansa bilang resulta ng kanilang pagsusumikap.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh