Viral na lola na nakikigamit ng laptop sa gadget store, nabigyan ng sariling "MacBook"
- Nag-viral ang isang lola na nakikigamit ng laptop sa isang gadget store sa Makati
- Matapos na mag-viral, nakatanggap ng sarili niyang "MacBook" ang lola mula sa hindi nagpakilalang donor
- Masayang-masaya ang lola sa natanggap niyang biyaya at may sarili na siyang gadget upang mas madalas na makausap ang kanyang pamilya
- Sa video na kuha sa lola, makikita kung gaano ito kasaya na nagpasalamat sa nagbigay sa kanya ng sarili iyang laptop
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos na mag-viral ang isang lola na nakikigamit ng laptop sa isang gadget store sa Makati City, nabigyan na umano ito ng sarili niyang MacBook.
Nalaman ng KAMI na nag-update ang uploader na si Walter So tungkol sa lola na naabutan niyang gumagamit ng laptop sa Apple Store sa Greenbelt.
Ayon kay Walter, nakatanggap umano ng sarilli niyang MacBook ang lola sa taong mas minabuting hindi na magpakilala.
Isa ring video ang pinakita ni Walter kung saan masayang-masaya ang lola at hawak na niya ang sarili niyang MacBook.
"Super,super salamat po sa nagbigay, napakabuti ninyo. Nakakaiyak!" ang sabi ng lola na bakas sa mga mata ang kasiyahan sa biyayang natanggap.
Matatandaang sa naunang post ni Walter, nasabi nitong namangha siya sa staff ng gadget store sa pagpapahintulot sa matanda na makigamit ng laptop na may internet na libre.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nais daw kasi nitong makausap ang kanyang mga mahal sa buhay subalit wala siyang pambili ng anumang gadget.
"Nanay" na nga ang tawag sa kanya ng mga staff ng gadget store at pinauupo na rin nila ito sa may laptop na kanilang pinagagamit sa lola.
Subalit ngayon, may sarili nang laptop ang lola at hindi na niya kailangan pang magpunta madalas sa mall para lang makigamit ng laptop.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, isang lola rin na kumikita lamang ng PHP25 sa paggawa ng barbecue stick ang natulungan ng mga nagmalasakit niyang kababayan. May sakit sa pag-iisip ang kanyang anak kaya wala siyang ibang aasahan.
Gayundin ang isang senior citizen na nagawa pang maloko ng bumili sa kanya ng saging at nagbayad ng pekeng pera. Matapos na mag-viral ang nangyari sa kanya, dinagsa naman siya ng tulong mula sa mga naawang netizens.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh