‘All Out Sundays’, ‘ASAP Natin ‘To’ nagpasiklaban sa Valentine’s Day

‘All Out Sundays’, ‘ASAP Natin ‘To’ nagpasiklaban sa Valentine’s Day

- Kapwa nagtagisan ng performances ang "All Out Sundays” at “ASAP Natin ‘To” noong Valentine’s Day

- Naging trending ang dalawang Sunday noontime shows sa social media dahil sa kinagiliwan ito ng mga manonood

- Nakuha ng “All Out Sundays” ang no. 5 trending spot sa Twitter na may hashtag na #AOSHeartsYou

- Habang no. 2 naman ang hashtag #ASAPisLOVE ng “ASAP Natin ‘To" sa trending spot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpasabog ng nakakamanghang performances ang “All Out Sundays” at “ASAP Natin ‘To” nitong Valentines Day, at nag-trending pa ang dalawang Sunday concert shows sa Twitter.

‘All Out Sundays’, ‘ASAP Natin ‘To’ nagpasiklaban sa Valentine’s Day

‘All Out Sundays’ (Photo credit: @AllOutSundays7)
Source: Facebook

Hindi nagpapigil ang mga talents ng GMA Network sa “All Out Sundays” sa pagpapasiklab para sa kanilang Valentine's Day special.

Umani ng papuri ang performance nina Kristofer Martin, Pauline Mendoza at Ruru Madrid sa kanilang version ng “The One that Got Away” ni Katy Perry.

'Crash Landing on You' stars, dagdag kilig sa Valentine's day sa bagong ad ng Smart

Sina Miguel Tanfelix, Kim De Leon, Mavy Legaspi at Lexi Gonzales ay humataw naman sa dance floor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kinanta naman ng mga magagaling na mang-aawit ng GMA na sina Kyline Alcantara, Glaiza De Castro, Thea Astley at ng diva na si Aicelle Santos ang “Look What You Made Me Do” ni Taylor Swift.

Habang pinakilig naman ng ating pambansang bae Alden Richards ang mga virtual audiences kasama sina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon at Barbie Forteza sa isang 'sing-kilig' performance.

Kasama din ang “Eternal Flame” segment ng show na umani ng No. 5 Spot sa Twitter at may hashtag #AOSHeartsYou.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kabilang dako naman, hindi nagpahuli ang mga artista sa ABS-CBN “ASAP Natin ‘To” sa kanilang mga bonggang performances.

Vice Ganda, aminadong nanood ng opening ng Eat Bulaga

Ang bagong Kapamilya na si Janine Gutierrez, kasama sina Robi Domingo at Joshua Garcia, ay nagpasaya sa virtual audiences sa kanilang performances at hosting talent.

Nagperform din ang Pinoy Girl Group na BINI ng “Yes or Yes” ng TWICE.

Pinakilig naman ng mga sikat na loveteams na sina Ronnie Alonte – Loisa Andalio, Maymay Entrata – Edward Barber, Kim Chiu – Xian Lim at iba pa ang mga manonood sa kanilang special performance.

Habang ang bigatin at malalaking pangalan naman sa larangan ng showbiz at OPM ay umawit ng mga awiting tagos sa puso sa kanilang “Hugot Song Medleys”. Kasama dito sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Janine Berdin, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, KZ Tandingan, TNT Boys, Angeline Quinto, Inigo Pascual, Bamboo, Juris Fernandez, Zsa Zsa Padilla, at Nina Girado.

Dahil sa magagaling na performances ay hindi nagpahuli ang “ASAP Natin ‘To” sa Twitter. Sa katunayan ay nakuha ng hashtag #ASAPisLOVE ang no. 2 trending spot.

Vin Abrenica at Sophie Albert, isinapubliko ang kanilang engagement

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang “All Out Sundays” ay ang Sunday concert show ng GMA-7, habang ang “ASAP Natin ‘To” ay ang kasabayan nito sa ABS-CBN o Kapamilya channel, at ngayon ay mapapanood na rin sa TV5.

Nitong kamakailan lang ay naging usap-usapan ang pagpapalabas ng “ASAP Natin ‘To” sa TV5. Marami ang nag-react sa simultaneous airing ng nasabing show, kabilang na ang mga celebrities. Isa na rito ay walang iba kundi si Lea Salonga.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel