‘ASAP Natin To’ trending dahil sa unang pagpapalabas nito sa TV5

‘ASAP Natin To’ trending dahil sa unang pagpapalabas nito sa TV5

- Nagsimula nang mapanood ang simulcast ng “ASAP Natin To” sa TV5 nitong Linggo, ika-24 ng Enero

- Ang #ASAPasONE ay isa sa mga nangungunang trending topics sa Twitter Philippines

- Nakakamangha ang mga pagganap ng mga sikat na personalidad na napanood sa rito

- Nakisaya rin ang mga hosts ng “Magandang Buhay” ,“It’s Showtime” , at iba pang Kapamilya shows sa episode na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Trending ngayon sa Twitter ang “ASAP Natin To” matapos sabay itong ipalabas sa mga channel ng Kapamilya network at ng TV5.

‘ASAP Natin To’ trending dahil sa unang pagpapalabas nito sa TV5

‘ASAP Natin To’
Source: UGC

Ang simulcast ng Sunday concert variety show sa TV5 ay sinimulan na nitong ika-24 ng Enero, at tinangkilik naman ito ng mga manonood.

Isa ngayon sa mga nangunguna ang #ASAPasONE sa mga trending topics sa Twitter Philippines.

COVID-19 saliva test inaasahang ma-a-aprubahan ngayon linggo

Siyempre, nagpasiklab agad ang nasabing palabas sa opening palang. Nagsama-sama ang mga pinaka-magagaling na mang-aawit sa industriya, kasama na sina Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez. Kinanta nila ang “Sama-sama” ng Alamid.

Sinundan ito ng mga pag-ganap ng ilan pang Kapamilya stars, kasama nina Enchong Dee, Angeline Quinto, Janine Berdin, Jed Madela, Kim Chiu, Jona, Elha Nympha, Erik Santos, Joshua Garcia, Nyoy Volante, KZ Tandingan, Loisa Andalio, Jason Dy, at ang Gold Squad.

Nakisaya rin ang “Magandang Buhay”, “It’s Showtime”, at iba pang Kapamilya shows sa nasabing palabas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Ipinahayag ni Gary V. na isang makasaysayang pangyayari ang naganap.

“It is one major historic day for all of us. Sama-sama tayong lahat sa pag-ukit ng panibagong kabanata na ito sa kasaysayan ng Philippine television,”
NBI, sunod na iimbestigahan ang CP ng mga akusado sa Christine Dacera case

Ibinihagi rin ni Regine ang mga detalye kung saan mapapanood ang “ASAP Natin To”.

“Starting today, hindi lang tayo mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC at A2Z, dahil sa isang pamilya, kabilang diyan ang kapatid. Nagsanib puwersa as one ang ABS-CBN at TV5 para sa ASAP Natin To,” sabi ng Asia’s Songbird.

Maliban sa TV5 ay mapapanood din ang “ASAP Natin To” sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TFC, at iWantTFC.

‘ASAP Natin To’ trending dahil sa unang pagpapalabas nito sa TV5

‘ASAP Natin To’ trending dahil sa unang pagpapalabas nito sa TV5
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang “ASAP Natin To” ay ang pinakamahabang Sunday noontime show sa Pilipinas. Ilan sa mga sikat na hosts nito ay sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Sarah Geronimo, Erik Santos, Jed Madela, at Angeline Quinto.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-trending ang “ASAP Natin To”. Kahit noong bumalik ito pagkatapos ng lockdown ay nag-trending din ang nasabing palabas dahil sa mga bonggang production number nito. Matatandaan rin na minsang nag-trending si Jona dahil sa nakakamangha niyang performance sa “ASAP Natin To”.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel