Vice Ganda may pahiwatig sa mga ‘ahas’ ngayong papalapit ang Valentine’s

Vice Ganda may pahiwatig sa mga ‘ahas’ ngayong papalapit ang Valentine’s

- Nag-tweet si Vice Ganda tungkol sa mga ‘ahas’ ngayong paparating ang Araw ng mga Puso

- Ayon sa kanya ay siguradong nagmamadali na rin ang mga ‘ahas’ sa paninira ng relasyon ng iba

- Para sa mga Pinoy, ang ‘ahas’ ay simbolo ng mga traydor o mang-aagaw ng karelasyon

- Hindi malinaw kung may kinalaman ba ang nasabing tweet ni Vice sa kanilang relasyon ni Ion Perez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mukhang may tinutumbok si Vice Ganda sa kanyang tweet patungkol sa mga ‘ahas’ ngayong paparating na ang Araw ng mga Puso.

Vice Ganda may pahiwatig sa mga ‘ahas’ ngayong papalapit ang Valentine’s

Vice Ganda (Photo credit: @praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa kanyang post sa Twitter nitong ika-11 ng Pebrero, Huwebes, ay tila makahulugan ang mga binitawang salita ng komedyante.

“Malapit na mag Feb14. Madami ng nagkukumahog sa pag awra para umabot. Pati mga ahas porshur double time sa pandadaot.”

Lovi Poe binati ni ‘Harry Potter’ actor Tom Felton sa kanyang kaarawan

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Para sa mga Pinoy, ang ‘ahas’ ay ginagamit na bansag sa mga taong traydor, lalo na sa mga mang-aagaw ng karelasyon.

Dahil dito ay hindi maiwasang magkaroon ng mga haka-haka na baka may nagtatangkang ‘ahasin’ si Ion Perez mula sa “It’s Showtime” host.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang relasyon nina Vice at Ion. Nagsimula ang kuwento ng kanilang pag-iibigan sa “It’s Showtime”, ang noontime show ng ABS-CBN. Simula nang ibunyag nila ang tungkol sa kanilang relasyon ay naging regular host na rin si Ion, na dating mas kilala lamang bilang ‘Kuya Escort’.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Noong ika-25 ng Oktubre 2020 ay nagdiwang ang dalawa ng kanilang pangalawang anibersaryo bilang magkasintahan.

James Reid, Nancy McDonie hindi na magkakasama sa ‘Soulmate’ series
“October 25 is a very important day because it’s our anniversary. Yes, two years na tayo.” sabi ni Vice.

Hindi pinagsisihan nina Vice at Ion ang kanilang paglantad sa publiko. Ayon Ion ay masarap sa pakiramdam na malaya sila sa kanilang relasyon, kahit pa man may ibang tao na hindi sila tanggap.

“Ang sarap nung naging free tayo, tanggap tayo ng tao, kahit may ilan na hindi pa rin,” sabi nito.

Dagdag pa ni Vice, masaya siya na pinanindigan nilang dalawa ang kanilang relasyon na hindi iniisip ang sasabihin ng ibang tao.

“Ang pinakamasaya sa akin na nangyari ay nagdesisyon tayo na panindigan ito kahit hindi naman tayo sigurado kung ano ang magiging reaksiyon ng ibang tao.
“Kasi maraming beses na iniisip ko ang magiging reaksiyon ng mga tao. At dahil iniisip ko ‘yon ay huwag na lang kasi natatakot ako.
“Dumating tayo sa point na wala na tayong pakialam kung ano ang reaksiyon niyo bahala na kayo basta tayo itutuloy natin ito, kasi ito ang gusto natin,”
Beauty Queens na walang make-up sa Negros, hinangaan ng mga netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay isa sa mga pinakasikat na komedyante at TV host ngayon. Marami rin siyang matagumpay na mga pelikula, kagaya ng “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” at “Praybeyt Benjamin”.

Sa nakaraang report ng KAMI ay napag-alaman na first-time na magkakaroon ng sariling proyekto si Ion na hindi kinailangan ang tulong ni Vice. Siya ay magiging leading man sa isang sexy-comedy film. Suportado naman umano ng komedyante ang kanyang boyfriend.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel