Kim Chiu sana matagal nang nag-share ng tip para magka-bf, sabi ni Lolit Solis

Kim Chiu sana matagal nang nag-share ng tip para magka-bf, sabi ni Lolit Solis

- Sa kanyang huling vlog ay ibinahagi ni Kim Chiu ang tip ng pagsusuot ng pulang underwear para sa mga single upang makahanap ng boyfriend

- Nag-react si Lolit Solis dito at sinabi na dapat daw ay matagal na itong ibinahagi ni Kim

- Ayon kay Lolit ay baka raw kaya naging effective ito kay Kim dahil sa kanyang dugong Chinese

- Sinabi rin ng columnist na nagka-ubusan daw ng stocks ng red underwear sa mga tindahan dahil sa vlog ni Kim

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang vlog ang isang Chinese New Year tip para sa mga single kung papaano magkaka-boyfriend, at komento ni Lolit Solis ay dapat matagal na niya itong ginawa.

Kim Chiu sana matagal nang nag-share ng tip para magka-bf, sabi ni Lolit Solis

Kim Chiu (Photo credit: @chinitaprincess)
Source: Instagram

Matapos ipasilip ni Kim ang kanyang mga paghahanda para sa Chinese New Year ay naging usap-usapan ang kanyang ibinahagi na mga tips na pampa-suwerte ayon sa paniniwala ng mga Chinese.

Beauty Queens na walang make-up sa Negros, hinangaan ng mga netizens

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa na rito ay ang pagsusuot daw ng bagong pulang underwear sa Chinese New Year para makahanap ng partner ang mga single.

Ayon sa Instagram post ni Manay Lolit ay dapat raw matagal na itong ibinahagi ng Kapamilya actress para hindi na raw dumami ang mga matatandang dalaga.

“Alam mo ba Salve na dapat nuon pa nagbigay ng tip si Kim Chiu para makatagpo ng BF ang isang single para hindi na sana dumami ang mga matandang dalaga o old maid.”

Pabiro pang sabi ng beteranang host ay baka raw magkaroon ng boyfriend na kamukha ni Xian Lim ang mga babaeng susunod sa paniniwalang ito.

“Natawa ako sa pag nagsuot ng bagong red p*nty pag chinese new year matatagpuan mo ang dream boy mo ha.
“Ibig sabihin kung lahat ng babae na single nagsuot ng red new p*nty, bongga, magkakaruon ng BF na kamukha ni Xian Lim?
Basel Manadil, bumili ng property upang mas marami pang mabigyan ng trabaho

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sinabi rin ni Lolit na baka raw naging effective kay Kim ang nasabing pamahiin dahil sa may dugong Chinese siya.

“Sabagay dahil nga chinese tradition at may chinese blood si Kim Chiu baka kaya naging effective sa kanya.”

Ibinalita pa niya na parang naubos ang mga stock ng mga pulang underwear sa mga tindahan dahil sa marami ang nakinig kay Kim.

“At nakakatuwa dahil para yatang ubos na ang stock ng red underwear sa palengke at department stores dahil sinunod iyon payo ni Kim.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kim Chiu ay ang tinaguriang Chinita Princess ng Pinoy showbiz industry. Nagsimula siyang sumikat noong manalo siya sa pinakaunang teen edition ng “Pinoy Big Brother”.

Sarah Geronimo, trending matapos hindi makadalo sa anniversary ng ASAP Natin 'To

Sa kanyang huling vlog ay napag-alaman rin ni Kim na mas masuwerte siya ngayong taon kumpara noong 2020. Naging trending din kamakailan ang aktres dahil sa viral meme ni Kris Aquino na mula sa interview niya kay Kim noong 2014.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel