Ex-Bf ni Baninay Bautista, ibinahagi ang kanyang panig sa hiwalayan nila

Ex-Bf ni Baninay Bautista, ibinahagi ang kanyang panig sa hiwalayan nila

- Matapos ibahagi ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend, hindi napigilan ni Baninay Bautista ang maiyak

- Kasunod nito ay nabatikos nang husto ang ex-bf ni Baninay na si Bont Bryan Oropel

- Ito ay matapos siyang mamataang kasalukuyang nagbabakasyon sa Boracay at umano ay nagsasaya lamang

- Inilabas ni Oropel ang kanyang panig laban sa lahat ng pambabatikos sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang hiwalayang Baninay Bautista at boyfriend nitong si Bont Bryan Oropel kamakailan matapos ang emosyonal na pagbabahagi ng vlogger tungkol sa kanilang hiwalayan.

Hindi napigilang maiyak ni Baninay habang ibinahagi sa kanyang mga subscribers ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Oropel.

Kasunod nito ay umani ng pambabatikos si Oropel matapos siyang mamataan sa Boracay at inakusahang nagsasaya ito samantalang nagdudusa si Baninay matapos silang maghiwalay.

Kaya naman, hindi napigilan ni Oropel na ibahagi ang kanyang panig kaugnay dito.

Tambalang DonEkla, kumuha ng isang bahay para sa kanilang pagvo-vlog
Ex-Bf ni Baninay Bautista, ibinahagi ang kanyang panig sa hiwalayan nila

Photo from Baninay Bautista (@baninaybautista)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa kanya ay naghiwalay sila ni Baninay ng maayos ngunit maging siya ay nahihirapan din sa kanilang pinagdadaanan.

Kagaya ni Baninay, naiyak din ito habang ikinukwento kung gaano siya naapektuhan ng kanilang paghihiwalay at panghuhusga ng mga tao sa kanya.

Aniya, ibinigay lamang niya kay Baninay ang hinihingi nitong space dahil naging madalas na umano ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Nilinaw niya ring walang third party na sangkot sa kanilang paghihiwalay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ibinahgi din niyang si Baninay ang nakipaghiwalay at hindi siya. Hiling niyang maging maayos ang lahat sa pagitan nila at inamin niyang mahal niya umano ang ex.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Jowa Challenge nina Kiray Celis at Buboy Villar, kinaaliwan

Si Baninay ay unang nakilala nang mapasali sa mga housemates ng Pinoy Big Brother. Pinasok niya ang vlogging at unti-unti na ring nakikilala sa kanyang pagvo-vlog

Matatandaang naging usap-usapan si Baninay matapos siyang pagsabihan ni Pokwang kaugnay sa kanyang volg tungkol sa pagpositibo niya sa COVID-19. Ayon kay Pokwang, nagdulot ng matinding pangamba ang kanyang vlog dahil nagktrabaho sila.

Matapos ang ibinahaging saloobin ni Pokwang, humingi ng paumanhin si Baninay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel