Cabin crew couple, ikinasal sa loob mismo ng eroplanong patungong Caticlan
- Mabilis na nag-viral ang mga larawan ng kasalang ginanap mismo sa isang AirAsia flight patungong Caticlan
- Pawang mga cabin crew ang magkasintahan at naisakatuparan nila ang pagpapakasal sa loob mismo ng eroplano
- Bago matapos ang taong 2020 nang maganap ang wedding proposal at makalipas lamang ang halos dalawang buwan, ikinasal na sila
- Laking pasalamat nila sa AirAsia at pinahintulutan silang ganapin ang isa sa mahahalagang bahagi ng kanilang pagsasama
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang namangha sa kasalan ng mga cabin crew na sina Kristoffer “Topy” Rustia and Micah Cura na ginanap mismo sa kanilang flight patungong Boracay.
Nalaman ng KAMI na dati pa umano itong pinangarap ni Topy at di nila umano akalain na mapahihintulutan sila ng AirAsia na gawin ito.
“As crazy as it may seem, I envisioned Micah walking down the aisle in one of our flights wearing her lovely gown, not her cabin crew uniform. It seemed like it would be impossible, knowing that we work as flight attendants but AirAsia made it happen,” kwento ng groom.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Disyembre ng 2020 nang maganap ang wedding proposal. Makalipas lamang ang halos dalawang buwan, ginanap na ang pag-iisang dibdib ni Topy at Micah.
Naglakad din naman sa 'aisle' si Micah at sa dulo nito naghihintay ang kanyang groom.
Diretso ang bagong kasal at kanilang pamilya sa Boracay kung saan mananatili sila sa 5-star hotel partner ng AirAsia, ang The Lind Boracay.
"AirAsia is very happy to have been part of this historic union, the 1st wedding onboard a commercial aircraft in the Philippines, flying to one of the World’s best Islands, Boracay,” ang bahagi ng mensahe ng spokesperson ng AirAsia na si Steve Dailisan.
Ibinahagi mismo ng AirAsia ang mga kaganapan sa kanilang kauna-unahang "wedding onboard."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa kabila ng pandemya, marami pa ring mga magkasintahan na di nagpaawat at itinuloy pa rin ang kanilang kasalan.
Mayroon pa nga na hindi lang ang COVID-19 ang kinaharap kundi maging ang rumaragasang tubig na kanilang nilusong matuloy lamang ang pag-iisang dibdib.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh