American senior citizen, natutulog na lamang sa NAIA matapos umanong maloko

American senior citizen, natutulog na lamang sa NAIA matapos umanong maloko

- Sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 natutulog ang isang American senior citizen

- Ito ay matapos umano siyang ma-scam at hindi niya na mai-withdraw ang sarili niyang pera sa bangko

- Sa kabila ng kanyang dinaranas ay nabibigyan naman siya kahit papaano ng kanyang makakain ng ilang empleyado sa NAIA

- Umaasa umano siyang tutulungan siya ng kaibigan sa abroad na makauwi na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanatili at natutulog na lamang sa sahig ng arrivals area of ​​Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang American citizen na si Maurice Francis O'Connor.

Isa umanong Vietnam war veteran si O'Connor at unang namataan sa departure area ng NAIA Terminal 1 dalawang linggo na ang nakakakalipas.

Nanatili na lamang siya dito dahil wala na siyang perang pambili ng ticket. Papunta umano sana siyang Thailand. Aniya, ikinasal siya sa isang Thai.

Read also

Francine Diaz, sinorpresa ng Gold Squad sa kanyang kaarawan

Malaking pasasalamat niya sa mga empleyado ng paliparan na hindi siya pinabayaan.

American senior citizen, natutulog na lamang sa NAIA matapos umanong maloko
Photo from Raoul C Esperas
Source: Facebook

Dalawang taon na umano siyang pabalik-balik sa bansa ngunit nitong buwan lamang ay hindi na niya makuha ang kanyang pera dahil hindi na umano nakapangalan sa kanya.

Hinala niya, na scam siya. Sa kabila ng dinaranas ay nabibigyan siya ng pagkain ng mga nagtatrabaho sa paliparan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umaasa siyang tutulungan siya ng kaibigan sa abroad. Ayon naman sa Bureau of Immigration, US Embassy na ang dapat tumulong sa banyaga.

Susuriin naman ng embahada ang kalagayan ni O'Connor maging ang sinasabing scam.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Makailang beses nang nag-viral sa social media ang ilang mga post tungkol sa mga dayuhang naging palaboy na lamang sa lansangan sa iba't-ibang bahagi ng bansa.

Read also

Vicki Belo, napaiyak nang matuklasang nawawala ang paborito niyang Hermes Birkin bag

Isang German citizen sa Mandaue City ang nag-viral matapos maantig ng mga netizens sa kanyang kalagayan. Siya ay nangalakal na lamang matapos umanong iwan ng kanyang karelasyong Pinay.

Isang Sweddish naman ang nanghihingi na lamang ng pera para may pambili ng kanyang pagkain sa Samar matapos abutan ng lockdown dahil sa pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate