Vicki Belo, napaiyak nang matuklasang nawawala ang paborito niyang Hermes Birkin bag

Vicki Belo, napaiyak nang matuklasang nawawala ang paborito niyang Hermes Birkin bag

- Ibinahagi ni Vicki Belo ang kanyang bag collection maging ang kanyang mga damit sa kanyang walk-in closet

- Sa tulong ng fashion stylist at designer na si Bang Pineda, ibinahagi ng doktora ang bagong ayos ng kanyang walk-in closet

- Naikwento niyang napaiyak siya nang matuklasang nawawala ang paborito niyang bag na isang Hermes Birkin na itim ang kulay

- Hindi na umano niya nalaman kung sino ang nakakuha ng nasabing bag na maituturing na very special edition

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil sa marami umano sa mga netizens ang humiling na gumawa ng walk-in closet tour si Dr. Vicki Belo, pinagbigyan ang mga ito ng celebrity doctor.

Bahagi pa ng doktora, ang fashion stylist at designer na si Bang Pineda ang kasalukuyang umaayos at nag-oorganize ng kanyang closet. Kahit hindi pa umano tapos ang kanyang ‘closet edit’ ay natutuwa na si Doktora Belo sa ayos ng kanyang closet.

Julia Barretto, ibinahagi ang mga paboritong damit na lagi niyang ginagamit
Vicki Belo, napaiyak nang matuklasang nawawala ang paborito niyang Hermes Birkin bag

Photo from Vicki Belo (@victoria_belo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang pinapakita niya ang mga bag niya na pawang mga mamahalin, naitanong sa kanya kung alin doon ang paborito niya sa lahat ng bag niya.

Kinuwento niyang nawala ang kanyang paboritong bag na special edition na Hermes Birkin na kulay itim.

Nang buksan niya umano ang lagayan niyon ay natuklasan niyang wala na iyon doon at naiyak na lamang siya. Hindi niya na natuklasan kung sino ang kumuha ng nasabing bag.

"Actually, yung pinaka-favorite ko nawala, ninakaw. I don't know who got it. But it was black on black, it was a very special edition. It didn't even have an orange box. It had a black box. It was matte.

"It was one of a kind collector's edition," dagdag pa ng celebrity doctor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Jelai Andres, nagpanggap bilang taong grasa sa kanyang social experiment

Si Victoria Gonzales Belo, o mas kilala sa kanyang screen name na Vicki Belo, ay isa sa mga pinakatanyag na dermatologists at cosmetic surgeons sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa medikal na larangan, si doktora Belo ay isa ring aktibong lector sa iba’t ibang organisasyon sa larangan ng cosmetic surgery.

Naging bahagi rin ang doktora ng ilang Pinoy movies gaya ng Beauty in a Bottle, Rakenrol, at Sosy Problems.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-65 na kaarawan si doktora Belo. Sa kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang asawa, ilang throwback pictures naman ang ibinahagi ni Hayden Kho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel