WFH mom, ipinakita ang katas ng daang libo niyang sahod kada buwan
- Ibinahagi ng isang netizen ang mga naging produkto ng kanyang pagsisikap bilang isang work from home mom
- Bago pa man mag-pandemya, iniwan na niya ang corporate world at piniling manatili sa bahay habang nagtatrabaho bilang isang freelancer
- Sa ngayon, hindi lamang isa kundi dalawa na ang kanyang naipundar na bahay bukod pa sa mga ari-arian at sariling sasakyan
- Hangad niya na maging inspirasyon sa ibang inang tulad niya na kahit nasa bahay ay maayos paring kumikita at naibibigay ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakakabilib ang work from home mom na si Dhee Romero na ibinahagi ang naging resulta ng matiyaga niyang paghahanapbuhay kahit nasa bahay lamang.
Ibinahagi niya sa KAMI ang kwento sa likod ng tinatamasa niyang tagumpay bilang isang freelancer.
Aminado man siyang hindi ito naging madali para sa kanya subalit ngayon, kitang-kita na niya ang katas ng kanyang pinaghirapan.
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento:
"I just want to share my journey working home. Let's start na hindi dapat nakikita na pag yayabang ang pag share ng achivements big or small. Dahil as an adult dapat gamitin natin itong way na lalong mag pursigi sa buhay at claim mo na balang araw Ikaw din!!
I got our 2nd home only by working from home.
Sharing as well what I aquired during this journey. And today also marks my 4th yr anniversary working from home. I have no plans of going back to the corporate world at the moment.
Back story, I am undergraduate with two courses Programming and HRM. I got pregnant early from that time akala ko wala na talaga pero after working sa call center at nag decide mag stay sa bahay sobrang nagbago na lahat. Akala ko din noong una hindi ko to kaya kasi hirap talaga makakuha ng client noon but eventually as time goes by 4 years na pala sobrang dami kong pinadaanan walang madali pero sure ako na lahat worth it ang pagod. Mapapagod tayo pero mag ppahinga at laban ulit.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Earning and maintaining 6 numbers ay hindi madali madami kang pagdadaanan at maexperience pero wag kang susuko hindi natatapos sa isang failure na client. Tandaan kailangan mo ding isipin ang income mo ay may kapalit ding challenge madaming bayarin at impossibleng hindi ka mahirapan pero masarap pa din sa pakiramdam na pinaghhirapan mo.
Sa kabila ng lahat na ito walang nakukuha ng madalian, mabilisan, lahat may proseso. Proseso ng hirap at lahat ng sakit bago mo makamit lahat.
Kaya hindi dapat tayo susuko even during this pandemic madami mang hadlang hindi ka dapat bibitaw para sa pangarap. Darating din ang oras mo, hindi man ngayon, hindi man kasabay ko pero lahat tayo may timeline. Be ready and you will also be there! Godbless!!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tunay na nakaka-inspire ang ina na doble-kayod para lamang mapaginhawa ang buhay ng kanilang mga mahal sa buhay.
Tulad na lamang ng isa nating kababayang OFW na nagtayo na ng sarili niyang travel and tours agency na kanya na lamang palalaguin upang hindi na siya mangibang-bansa pa.
Gayundin ang isang single mom na nagpatayo ng negosyo at tahanan sa iisang gusali para kahit nasa bahay lamang din siya ay patuloy pa rin siyang kumikita.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh