Rica Peralejo, hinangaan ng netizens dahil sa kanyang "unfiltered house tour"

Rica Peralejo, hinangaan ng netizens dahil sa kanyang "unfiltered house tour"

- Matapos umuwi sa Pilipinas noong nakaraang taon mula sa kanilang bakasyon sa US, ibinahagi ni Rica Peralejo ang isang home tour

- Pinakita niya maging ang ilang sira sa kanyang bahay maging ang anay, mga tagas at ang bahagi ng kanilang bahay na hindi pa inaayos

- Marami ang humanga sa pagpapakatotoo ng dating aktres na ngayon ay nanay na sa kanyang dalawang anak

- Ibinahagi din ni Rica ang laman ng kanilang refrigerator at kung ano ang hilig nilang pamilya pagdating sa pagkain at inumin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng dating aktres na si Rica Peralejo ang tinawag niyang "no filter house tour" kung saan pinakita niya maging ang ilang bagay sa kanilang bahay na hindi pa naaayos.

Matapos nilang manatili sa US sa loob ng anim na buwan ay dinatnan ni Rica at ng kanilang pamilya ang kanilang bahay na may ilang sira na kagaya ng pagkakaroon ng tagas sa ilang bahagi ng kanilang bahay at maging ang pagkakaroon ng anay.

Read also

Herlene "Hipon Girl" Budol, may pa-house tour sa kanyang mga tagahanga

Rica Peralejo, hinangaan ng netizens dahil sa kanyang "unfiltered house tour"
Photo from Rica Peralejo (@ricaperalejo)
Source: Instagram

Paliwanag niya, inaayos nila ang bahay kaya magulo pa ito. Natanggal na rin ang anay na namahay doon ngunit hindi pa naaayos ng tuluyan ang pinsala nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang ilang bahagi ng bahay nila ay hindi pa masyadong naaayos ngunit, pinakita ito ni Rica at ibinahagi ang ilang mga pagbabagong nais niya ipagawa sa bahay.

Ang panganay na anak niya ay ibinahagi din ang kanyang bonus spot umano sa bahay. Ito ay sa ilalim ng hagdan kung saan may mga sinulat siyang "graffiti". Hinayaan lang daw ni Rica ito at pipinturahan na lang kapag ayaw nang mag sulat-sulat ng anak niya.

Narito naman ang reaksiyon ng mga netizens:

This is probably the most honest house tour. Naaappreciate ko yung pagiging totoo pati nga leaks at anay sa bahay.

Read also

Dating single mom, nakahanap ng "forever" sa isang socmed group

Legit house tour. love the honesty and truthfullness of everything. unlike those who keep everything tidy for the vlog.
Love the house tour with all the kalat! This is the reality lalo na me mga maliliit na bata! Excited for the renovation!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya. Biniyayaan sila ng kanyang asawang si pastor Joseph Bonifacio ng dalawang anak na lalaki.

Kamakailan ay inamin ni Rica na hindi original ang bag na kanyang ginagamit. Dahil dito ay umani ng pambabatikos ang dating aktres.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel