QC contract tracing ikakasa kasunod ng kaarawan ni Willie Revillame

QC contract tracing ikakasa kasunod ng kaarawan ni Willie Revillame

- Naging kontrobersyal ang pagtitipon ng mga tao sa labas ng Wil Tower noong kaarawan ni Willie Revillame

- Nagdagsaan ang mga tao kahit hindi nag-anunsyo ang sikat na TV host, at hindi nasunod ang social distancing dahil dito

- Magsisimulang mag-contact tracing ang mga opisyal ng Quezon City at makikipag-ugnayan sila sa staff ni Revillame

- Kinakailangan ding magpaliwanag ng kapulisan kung bakit hindi naipatupad ang crowd control

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maglulunsad ng contact tracing ang mga opisyal ng Quezon City sa mga taong dumagsa sa labas ng studio ni Willie Revillame noong kaarawan nito dahil sa pagbabaka-sakali na mabigyan sila ng pera.

QC contract tracing ikakasa kasunod ng kaarawan ni Willie Revillame
Willie Revillame (Photo credit: @willrevillame)
Source: Instagram

Nitong Huwebes, ika-28 ng Enero ay sinabi ni Mayor Joy Belmonte na makikipag-coordinate siya sa staff ni Revillame upang mabilisang ma-track ang mga dumagsa sa labas ng studio ng host noong kaarawan nito.

Read also

Willie Revillame, may birthday greeting mula kay Pangulong Duterte

Ayon sa text message na ipinadala ni Belmonte sa CNN Philippines, uutusan daw niya ang chief of staff ni Revillame na isumite ang mga pangalan ng beneficiaries nila.

Noong Miyerkules hanggang sa umaga ng Huwebes ay nagpuntahan ang maraming supporters ni Revillame sa labas ng Wil Tower na matatagpuan sa Eugenio Lopez Drive.

Kahit na hindi nag-anunsyo ang sikat na TV host na magbibigay siya ng pera sa labas ng kanyang studio ay nagdagsaan pa rin ang mga tao. Ito kasi ang naging tradisyon ni Revillame sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.

Hindi alintana ng mga tao ang banta ng COVID-19 pandemic.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinabi rin ni Belmonte na pinapaghanda niya ang pulisya sa posibilidad ng pagdagsa ng tao magkatapos niyang balaan si Revillame na maaaring magdatingan ang kanyang mga fans sa studio.

Read also

City Garden hotel employees, labis na apektado sa parusang suspensyon

Ayon sa alkalde ay kailangan daw magpaliwanag ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Danilo Macerin kung bakit hindi nila nagawang kontrolin ang tao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Willie Revillame ay isang sikat na TV host sa Pilipinas. Ang kanyang palabas na “Wowowin” sa GMA-7 ay tinatangkilik ng maraming mamamayan dahil sa pagiging matulungin at galante niya sa pamimigay sa mga nangangailangan.

Nagdiwang si Revillame ng kanyang ika-60 na kaarawan nitong ika-27 ng Enero. Naging viral ang kanyang pagiging emosyonal sa “Wowowin” dahil sa namimiss na daw nito ang kanyang live audience. Maraming personalidad ang bumati sa host, at kabilang na dito si Pangulong Rodrigo Duterte.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)